Advertisers
Ni WALLY PERALTA
BALIK-movie pagkatapos na manganak si Elisse Joson, para sa pelikulang “Habang Buhay” na magsisimula nang ipalabas sa Vivamax App Plus on April 20, 2022 and on Vivamax on April 22.
Ang “Habang Buhay” ay isang romantic movie na may kakaibang twist na gagampanan ni Elisse ang papel ng isang babaeng may kakaibang uri ng sakit at si McCoy de Leon naman, ang leading niya, ay gaganap na isang ampon sa pamilya ni Elisse.
Inamin ni Elisse, may mga bagay siyang isinaalang-alang bago tanggapin ang mga pelikulang muling pagsasamahan nila ng partner at ama ng kanyang anak.
“Mahaba ang process before we got to do this because we have to consider na we have a baby, tapos we’re in the midst of a pandemic. This is our first film together na we already have a child tapos, yung characters we play, mga bata pa, so naisip namin baka hindi na bumagay sa amin,” say ni Elisse.
Sa tunay na buhay, ano naman kaya ang say niya sa partner bilang daddy ng kanilang baby?
“McCoy is a hands on dad. I can see he is a very responsible family man. I tell our daughter that she’s very lucky to have McCoy as her dad as he is really working very hard for us.
“As a partner, may commitment siya to be always present in our lives ni Baby Felize,” dagdag na say ni Elisse.
***
UNANG seryeng sinabakan ni Maricel Laxa sa Kapuso Network, ang “Mano Po: The Legacy” na nagtala ng magandang ratings hangggang sa pagtatapos.
Halos araw lang ang binilang ay may bagong offer si Maricel mula sa GMA 7, ang maging lead actor para sa sa seryeng “Apoy Sa Langit” na makakasama niya sina Zoren Legaspi, Mikee Quintos, Lianne Valentin. Ramon Christopher, Mariz Ricketts, at marami pang iba.
Mixed emotions ang beteranang aktres sa muling pagpasok sa isang lock-in taping, masaya na may kasamang lungkot.
“Missing my family while locked in our Teleserye bubble,” saad sa caption ni Maricel sa isang larawan na pinost sa social media account.
Sa kabila ng kalungkutan ay bumawi naman si Maricel sa isa pa niyang post na excitement naman ang dating sa mga netizen.
“Grateful for the opportunity to work and grow. Excited to share with you what we have been working on,” dagdag pang say ni Maricel.