Advertisers

Advertisers

Juday inamin, asar sa bastos na loveteam

0 383

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA Youtube channel ni Meryll Soriano, na naging guest niya si Judy Ann Santos, ikinwento ng huli sa una ang hindi niya magandang karanasan sa isang young loveteam.
Dinaanan lang siya at hindi binati ng love team na hindi niya pinangalanan.
Iginiit ni Juday ang kahalagahan ng pagbibigay-respeto sa mga nakatatandang artista o mas nauna sa showbiz na tulad niya.
Sabi ni Juday,“Ako, isa sa mga na-experience ko yung bagets, love team ito, ganyan. Medyo kilala. ‘Yung dumaan lang.
“Hindi ka naman naghahanap ng atensiyon na ‘Hiiiii!’ pero yung respeto lang na…
“Kasi hindi lang naman ako yung nandoon. Parang marami din namang mga artista nung time na yun, na di hamak na mas matanda sa kanila.”
“Ako, hindi na nga yung respeto sa status, yung respeto lang sa nakakatanda.”
Ayon pa kay Juday, noong kabataan nila, hindi itinuro ang pagbibigay-respeto sa mga kasamahan sa trabaho. Pero likas daw sa kanila ito.
“Sa atin nga instinct na natin iyon. Instinct na lang iyon na respetuhin mo lahat ng kasama mo sa trabaho,”
Pagsang-ayon ni Meryll, ang pagbati ay hindi lang sa kapwa artista, kundi sa lahat ng miyembro ng staff and crew.
“Kailangan mong makisama hindi dahil kailangan lang, kailangan mong makisama,” diin ni Juday.
Sabi pa ng aktres, maraming pribilehiyo ang artista na hindi nararanasan ng ibang miyembro ng production team.
“Sa mga kabataan, kumbaga, yung gratitude ba na eto yung trabaho natin, naka-aircon tent tayo…
“Very privileged ang mga artista…
“Di hamak naman na mas malaki ang kinikita ng mga artista sa mga gaffers, staff, and crew, but yet ang trabaho nila ay times ten sa ginagawa natin.”
Ito raw ang dahilan kung bakit malaking respeto ang dapat ibigay sa mga bumubuo ng produksiyon, gaya ng mga cameramen.
“So, kailangan alagaan mo rin sila. Kasi wala kang karapatang magreklamo.
“So, I hope, at some point, kung may mga magiging artista man, sa mga nanonood sa atin, please remember to value the people around you.
“It’s very, very important to value the people around you.”
Naibahagi rin ni Meryll kung ano ang ginawa niya nang magkaroon ng parehong experience sa isang nakababatang nakatrabaho noon.
“Alam mo, hindi ko talaga siya pinansin. Ilang taping na hindi ko talaga pinansin,” sabi ni Meryll.
“Tapos, yun, naturuan na mag-introduce yung, ano lang… ‘Hello, Ate Meryll, ako po si ganito.’
“Malay ko ba kasing artista siya, ano, di ba?
“Nakikita ko na lang kasama sa eksena. ‘Tapos pag naglu-look ka, parang deadma lang. Ayoko yun, e.
“Tayo kasi tinuruan na kahit na pagdating mo pa lang, ‘Hello po, ako po si Meryll.’”
Nabanggit din ni Judy Ann na proud siya sa sarili na nananatiling grounded sa kabila ng kanyang narating sa industriya.
“Grounded ako. Kaya kong sabihin iyon na nakataas ang noo.
“Kasi sumasama ang loob ko sa sarili ko pagka, halimbawa, hindi ko nabati or di ko nasagot agad.
“Parang feeling ko I’m not doing enough.”
***
SA pelikulang Secrets ay kapareha ni Benz Sangalang ang tinanghal na Miss Earth Philippines 2018 na si Janelle Tee. Ang dalaga ang dating co-host ni Willie Revillame sa afternoon game show ng Kapuso Network noon na Wowowin.
Mula sa direksyon ni Jose Javier Reyes ang pelikula.
Sa Secrets ay may bedscene sina Benz at Janelle. Naiinip na nga ang una sa eksena nilang ‘yun ng huli. Siyempre ba naman, ay dahil isang beauty queen ang ka-bedscene niya.
Kasama rin sa pelikula si Felix Rocco bilang main villain. Isa rin siya sa mali-link kay Janelle sa Secrets, na nakatakdang ipalabas sa VivaMax.
Samantala, si Benz ay alaga ng Philmoda ni Jojo Veloso. Mahilig siya sa larong basketball. May YouTube Channel siya. May program siya na Draft-Room tungkol sa basketball na hit sa viewers.
Sabi ni Benz: “Iba ang katok ng pag-aartista sa akin.Talagang pag-arte ang gusto kong maging career.
“Una kong movie ang Rainbow Sunset na pelikulang ginawa ni Joel Lamangan. Short ang role ko, pero masaya na ako.”