Advertisers
HINDI na nakapagpigil si Ernest Ramel, chairman ng Aksyon Demokratiko na balikan si Sen. Imee Marcos nang tawaging ‘bulok na taktika” ang pagbubulgar sa hindi nababayarang P203-bilyong estate tax ng kanyang pamilya.
Paninira lamang daw, bulok na estilo ng pamomolitika ang ginagawa ni Aksyon Demokratiko presidential aspirant Isko Moreno sa paulit-ulit na pag-ungkat at paghimok na magbayad na ng utang na estate tax ang mga Marcos.
“Senator Imee Marcos, mas marami po kayong bulok na taktika na dineploy the past few years. Yun ang pinakabulok sa lahat, yung pagsisinungaling po ninyo, yung ayaw niyong pag-ako sa mga responsibilidad ninyo, yung karuwagang harapin ito sa publiko. Lagi po kayong attack -pulitika lang po yan, fake news lang po yan, bulok po yan,” ganting sagot ni Ramel.
Tinawag ni Ramel na bulok ang pagtatago ng mga Marcos sa utang na P203 bilyong estate tax liabilities sa gobyerno.
“Ang bulok yung mga kalokohan na pinapakalat niyo sa social media. Yun po ang kabulukan, Senator Imee Marcos,” sabi ni Ramel.
Una ay itinanggi ng mga Marcos na hindi pa pinal ang isyu ng utang na estate tax pero may desisyon na at may entry of judgement ang Supreme Court noon pang Marso 9,1999 at sinabing final and executory na ang hatol sa P23-bilyong estate tax, sa utos ng SC noong Hunyo 5, 1997.
Umabot na sa P203-bilyon ang utang na estate tax dahil sa patong na interes at multa sa loob ng nakalipas na 20 taon.
Hinikayat ni Ramel si Marcos Jr. maaaring mabayaran ang utang na P23-billion estate tax nang walang babayarang interes, ito ay dahil sa estate tax amnesty law, ang RA 11569 na pinirmahan ni Presidente Duterte.
Hindi na babayaran ang interes at multa na aabot sa P180-bilyon, sa bisa ng amnestiya.
“… waived na yung P180 billion na computed surcharges, penalties and interests… bayad na po kayo,” sabi ni Ramel. (BP)