Advertisers
Sa tanong kung paano mapabibilis ang pagbangon ng ekonomya ng bansa, sinabi ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa PiliPinas Debates 2022: The Turning Point ng Comelec na uunahin niya ang pamumuhunan sa agrikultura.
“Dapat po mamuhunan tayo na payabungin ang katayuan ng magsasaka. Sa pag-ikot-ikot ko sa buong Pilipinas, nakita ko po talagang medyo napapabayaan na natin ang ating magsasaka,” sabi ni Yorme Isko.
Magbibigay ng kapanatagan sa bansa kung mapapalakas ang industriya ng agrikultura na magbibigay ng “makakain at may tamang makain at murang makakain” sa lahat ng mamamayang Pilipino.
Mahalaga, dugtong ni Isko ay ang ‘ekonomya ng sikmura’ habang patuloy na nilalabanan ang COVID-19 pandemic.
Dagdag pa niya na kailangan na mamuhunan ang bansa sa ‘post-harvest facilities’ at pababain ang presyo ng pataba at tingnan ang pagbawas sa presyo ng krudo na ginagamit sa produksiyon ng pagkain.
Kung may seguridad sa pagkain, “ito ang magbibigay ng kapanatagan sa bawat Pilipino,” paliwanag ni Yorme Isko. (BP)