Advertisers

Advertisers

Mga ari-arian ni FM, niremata at sinubasta BIR noong 1997 para sa estate tax

0 284

Advertisers

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Sinabi naman ni Jesus sa mga Judiong naniniwala sa kanya, `Kung patuloy kayong susunod sa aking turo, kayo nga’y tunay na mga alagad ko. Makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo’…” (Juan 8:31-32, Ang Tanging Daan Bibliya).
***

ESTATE TAX SA MGA ARI-ARIAN NG DATING PANGULONG MARCOS, BAYAD NA, AYON SA SUPREME COURT DECISION NOONG 1997: Wala ng karapatan pa ang Bureau of Internal Revenue na maghabol laban kay presidential frontrunning candidate Ferdinand BBM Marcos Jr. at sa Marcos Family para sa sinasabing estate tax mula sa mga ari-ariang naiwanan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ito ay batay na din sa kasong dinesisyunan ng Korte Suprema noong Junio 05, 1997, at kinilala bilang “Ferdinand Marcos II vs. Court of Appeals, Bureau of Internal Revenue (BIR) at Herminia Garcia”.



Ang desisyon ay sinulat para sa Kataas-taasang Hukuman ni dating Associate Justice Torres, Jr., at nabigyan ng docket number na G.R. No. 120880. Tinukoy nito ang mga ari-arian ng mga Marcoses na inembargo ng BIR noong Pebrero 22, 1993, Mayo 20, 1993, at Mayo 26, 1993.

Sa mga taong iyon, ang pangulo ng Pilipinas ay si Fidel Valdez Ramos, at ang mga ari-arian ng mga Marcoses na inembargo noon ay niremata o kinuha ng lahat ng gobyernong Pilipino noong Julio 05, 1993 sa pamamagitan ng isang subasta.

Kung babasahing mabuti ang nasabing desisyon, kinilala doon ang katotohanang pagkatapos maisa-ilalim ang mga ari-arian ng mga Marcoses sa kapangyarihan ng BIR bunga ng sinasabi nitong hindi nabayarang estate tax sa mga ari-arian ng dating Pangulong Marcos, isinubasta na ito agad ng gobyernong Fidel Valdez Ramos.

***

BIR, WALA NG KARAPATANG MAGHABOL SA SINASABING ESTATE TAX PAYMENTS NG MARCOS FAMILY: Ayon sa desisyong iniakda ni Associate Justice Torres Jr., ang sinasabing utang sa estate tax ng mga ari-ariang naiwanan ng dating pangulo, ay nagkakahalaga noong 1993 ng P23 bilyon.



Ang estate tax, o buwis para sa paglilipat ng mga ari-ariang naiwanan ng isang magulang sa kaniyang mga anak, ay sinagot na, o binayaran na, ng mga ari-ariang niremata sa pamamagitan ng subasta ng gobyernong Ramos na ginawa nito noong July 05, 1993.

Samakatuwid, ayon naman sa mga abogado ng BATAS (Buklod ng mga Abogadong Tagapagtaguyod ng Adhikaing Sambayanan) at LIGHT (Lawyers Instructed on Godliness, Humility, and Truth), wala ng utang pa ang pamilyang Marcos sa nasabing estate tax dahil bayad na ito ng mga ari-ariang isinubasta noong 1993.

Sa kabilang dako, nabanggit din sa pasya ng Korte Suprema na kinukuwestiyon ng pamilya Marcos ang halagang P23 bilyon bilang estate tax sa mga ari-ariang naiwanan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ang batayan ng kanilang pagkuwestiyon ay ang katotohanang noon at ngayon, nananatiling nakabimbin ang isang kaso sa Pasig City Regional Trial Court kung saan nililitis pa ang mga ari-ariang dapat isama bilang mga naiwanang ari-arian ni Ferdinand Marcos Sr.

Ayon sa kampo ng mga Marcoses, ilegal ang pagkakatalaga ng halagang P23 bilyon bilang babayarang estate tax ng Ferdinand Marcos Sr. estate dahil hindi pa nga kumpleto ang imbentaryo ng kaniyang mga ari-arian. “

***

CARPIO, ISKO MORENO, AT AKSIYON, MGA PROPAGANDA LAMANG ANG SINASABI SA MARCOS ESTATE TAX: Sa totoo lang, hindi pa natin alam kung ano ang mga ari-ariang bubuwisan, kaya wala pang batayan ang sinasabing P23 bilyong utang ng mga Marcoses sa estate tax,” dagdag pa ng BATAS at LIGHT.

Nauna ng ipinagpipilitan ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, Aksiyon Demokratiko Chairman Ernest Ramel, at ni Manila Mayor Isko Moreno na ngayon ay Aksiyon presidential standard bearer, na lumaki na diumano sa P203 bilyon ang babayarang estate tax ng mga Marcoses.

Ang problema, lumilitaw na pinilipit lamang nila ang isyu upang hatakin pababa si Ferdinand BBM Marcos sa mga surveys na nagpapakitang malayo na ang lamang niya sa kandidato ni Carpio, at kay Isko Moreno.

“Isang kasinungalingang propaganda lamang ang isyu ng P23 bilyong estate tax, at maliwanag na desperadong pagkilos dahil nakikita nina Carpio at Aksiyon Demokratiko na talo na ang kanilang mga presidential candidates sa Halalan 2022,” ayon pa din sa BATAS at LIGHT.

Dapat basahin munag mabuti ni Carpio, ni Ramel, at ni Isko, ang desisyong ini-akda ni Justice Torres noong 1997, upang makita nilang bayad na nga ang mga Marcoses sa estate tax.

***

MANOOD, MAKINIG! REAKSIYON? Kakampi Mo Ang Batas, www.facebook.com/attybatas, www.facebook.com/radyopilipino, YouTube.com/Kakampi Mo Ang Batas, Radyo Pilipino stations, Luzon, Visayas, and Mindanao, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Newsbreak Media Company, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, at 95.5. J FM network. Para sa mga reaksiyon: +63 947 553 4855, batasmauricio@yahoo.com.