Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
PATULOY sa pagratsada ang showbiz career ni Quinn Carrillo. Sunud-sunod ang ginagawa niyang pelikula lately, kabilang na rito ang Moonlight Buttefly na pinagbidahan ni Christine Bermas, kapatid niya sa 3:16 Events and Talent Management ni Ms. Len Carrillo.
Ang iba pa niyang project ay ang Island of Desire at Expensive Candy na tinatampukan nina Carlo Aquino at Julia Barretto.
Si Quinn ang nagsulat ng katatapos na pelikula ni Direk Joel Lamangan para sa 3:16 Media Network, titled Biyak. Bukod kay Quinn, ito’y tinatampukan din nina Angelica Cervantes, Albie Casiño, at Vance Larena.
Kuwento ni Quinn, “May gagawin din po kami kay direk Bobby Bonifacio Jr., kasama ko si Cloe Barreto naman.”
Aniya pa, “Hindi po ito yung unang isinulat ko, ang una po ay yung Tahan, na gagawin namin ni Cloe Barreto. This one, iyong Biyak, bale co-writer lang ako.”
Last Monday ay nagpa-presscon ang 3:16 Media Network ni Ms. Len ng pelikulang Tahan na isinulat nga ni Quinn.
Tampoik dito sina Cloe Barreto, Jaclyn Jose, JC Santos, Quinn, Mercedes Cabral, Karl Medina, AJ Oteyza, Mac Cardona, EJ Salamante, Joseph San Jose, at Stiff Banzon na bagong talent ni Ms. Len.
Ito ay pamamahalaan ni Direk Bobby Bonifacio Jr at ang executive producers nito ay sina Ms. Janilyn Carrillo at John Bryan Diamante. Nabanggit niya ang nararamdaman sa bago niyag project.
Lahad ni Quinn, “Iyong gagawin po namin kay direk Bobby ang pinaka-excited ako, bukod kasi ako po ang sumulat nito, makakasama po namin si Ms. Jaclyn Jose rito.
“Actually, iyong sa pagiging writer ko po sa movie’ng ito, bale bigla lang po akong may naisip na kuwento. Eh bata pa lang po ako hilig ko na kasi ang magsulat. Noong sa Eva (movie) kasi, nakasama ko po si direk Dennis Marasigan na siya ring writer ng Eva. Prof din po kasi siya sa school na pinapasukan ko, then nanghingi ako ng tips sa pagsusulat kasi I’ve always wanted to try nga po.”
Nabanggit pa ni Quinn na nang isinusulat niya ang script ng Tahan, ang isa sa major character na naisip na niyang gaganap dito ay si Jaclyn.
“As I was working with it, ang na-imagine ko talagang nanay ay si Ms. Jaclyn Jose. No other actor talaga, si Ms Jaclyn lang talaga, when I was writing the character for Nora.
“And sabi ko kay Cloe, ‘Cloe may isinusulat ako, bagay sa iyo ito, kasi alam ko baliw ka.’ Hindi joke lang, ‘feeling ko ay hindi ka na aarte rito,” nakatawang esplika pa ni Quinn na katabi sa naturang presscon si Cloe.