Advertisers

Advertisers

WORK3, BUILD3, MARK3 VILLAR TOP3 SA SENADO

0 166

Advertisers

DAPAT pa bang ibalik sa Senado ang mga kandidatong wala namang nagawa sa kanilang termino at nagsisilbi lang na hanapbuhay at negosyo nila ang institusyong laan para sa tao?

Ilang ulit na nilang nabokilya tuwing halalan ang sambayanan pero kapag nahalal muli ay sariling lukbutan ang pinagyayaman habang ang mamamayang naghalal sa kanila ay di man lang sila malapitan.

Lalo naman iyong mga naging Senador na walang inatupag kundi kumontra sa administrasyon kesa magbalangkas ng batas.



Kaya nga sa darating na halalan, dapat ang mga bagong mukha pero subok ang husay at ideyal na mambabatas bilang Senador ng masa.

Marami silang bagong aspirante ngayon. Nangunguna sa kanila ang masipag,action man, subok na mambabatas mula sa Mababang Kapulungan, naging effective na gabinete ng kasalukuyan at papatapos nang administrasyon.

Siya si Mr. Action Man, Ginoong Positive Result at Mr. Workaholic Secretary Mark Villar (DPWH). Epektibo niyang nagampanan ang banderang proyekto ni Presidente Duterte na Build, Build, Build kung saan ay nagmistulang kabuteng nagsulputan at nagsitayuan ang mga pampublikong imprastraktura mula sa kalungsuran hanggang kanayunan.

Silent operator pero ang ganda ng performance ni Senatoriable Villar sa executive department kaya panalo din ang bayan sa kanyang napipintong pagpasok sa legislative upang ang mga proyektong pang-public works na kailangan ng legislation ay mapapadali sa kanyang timon kaya tuloy lang ang proyektong sinimulan nila ni Pangulong Digong sa pagpalit ng bagong administrasyon.

Isa pang bentahe kay future Senator Villar, dahil ang kanyang pamilya ay kabilang sa pinakamayayamang angkan sa bansa kaya walang puwang ang kurapsiyon kundi isang tunay na paglilingkod ang ipadarama nito sa sambayanang Pilipino.



At dahil si Senatoriable MV ay nasa TOP3 ranking ayon sa pulso ng masa ng nasyon ay tapos na ang boksing.It’s all over but the counting.Work- work- work,build- build- build at Mark-Mark- Mark na kabayan.Ilang tulog na lang..ABANGAN!!!

Ilan pa sa mga bagong pangalan pero tiyak na effective sa Senado ay sina Cong.Rodante Marcoleta,Atty.Sal Panelo,public servant Raffy Tulfo,Gen.Guillermo Eleazar,Sec.Manny Pinol,Muslim Robin Padilla,Atty.Harry Roque,Cong.Monsour del Rosario,Atty . Larry Gadon, Dra.Minguita Padilla at Dr.Luther Meniano.TANDAAN!