Advertisers

Advertisers

ATONG – GRETCHEN, SANIB-PWERSA SA E-SABONG

0 229

Advertisers

MARAMI ang hooked sa isport ng mga manok – ang sabong, pero natigil ang mga tupada sa pagputok ng pandemic period.

Bawal ang close contact kaya nauso ang e-sabong. HINDI mapuknat ngayon ang netizens sa paglalabas ng opinyon at makahulugang saloobin sa isyu ng aktres na si GRETCHEN BARRETTO kay business magnate ATONG ANG.

Lalong lumutang ito sa sanib-pwersa nila sa pagkakasangkot ni ANG sa paglikida sa mga sabungero kaugnay ng gamefixing. Pumutok ang lovers’ issue ng dalawa mula sa photos ng pagsasama nila sa sabungan partikular sa online sabong o mas kilalang E Sabong. Si GRETCHEN pa mismo ang nagbitaw ng manok na entry nya bilang Tiger at binansagan na siyang LADY TIGER mula roon.



Year 2019 nang pabulaanan ni ATONG na magkarelasyon sila kaugnay pa ng ilang isyu sangkot ang pamilya ni GRETCHEN.

Inakusahan ni NICOLE, pamangkin ni GRETCHEN na inagaw nito sa kanya si ATONG at nagkalabu-labo ang magkakapatid na BARRETTO.

“Tungkol kay NICOLE, mga 4-11 years ago ay nagkakasama kami ng mommy nya. Si GRETCHEN, kasosyo ko sa casino. Si TONY BOY COJUANGCO (partner ni GRETCHEN) kasama ko rin sa casino. May junket ako sa mga casino. Si TONY kasosyo ko sa Okada. Kung nagkahiwalay kami nila NICOLE, walang kinalaman si GRETCHEN. Ang relasyon namin ni NICOLE, parang, taga-asikaso ng flights ko and schedule ko noon. Si NICOLE, pinag-aral ko yan, ang nagtrabaho sa akin yung nanay nya. Si GRETCHEN malapit sya sa asawa ko. Hindi ko ipagpapalit ang pamilya ko sa anupaman.” Nobyembre 2019, lumipad sa Iloilo sina GRETCHEN at ATONG para makipagkita sa ilang sabong operators. Lumabas sa social mediaang photo nila na nakasubsob sa lap ni ATONG si GRETCHEN habang holding hands sila sa upuan ng eroplano. Nakatulog siya, depensa nito.

Sa latest update ng Senate hearing led by Senator RONALD ‘BATO’ DELA ROSA, kaugnay ng nawawalang 34 na sabungero kabilang ang mga taga-Tanay, Rizal, sangkot si ATONG bilang may-ari ng e-sabong at ipinaglalaban ni GRETCHEN abot sa pasabog na si BATO mismo, tumatalpak o nagsusugal ng sabong, kasunod ng pagbubulgar na may utang pa ito sa kanyang amiga. Bakit din umano may suot ito ng 85K worth wristwatch, na pinalagan ng ex-PNP Chief. Character assassination umano ang gawa ni GRETCHEN dahil mahirap makalusot sa isyung si ATONG ANG ang nasa likod ng pagkawala ng mga sabungero.

“Stop grandstanding, just get down to the investigation, BATO!” Kailangan, lawyer ang mga nakaupo.” Sa umiinit pa patutsadahan at pasabog ni GRETCHEN on behalf of ATONG ANG, tumitindi ang pahaging ng bashers kay TONY BOY. (Talaga lang?..magkasosyo ang dalawa sa casino, sabong, etc). Well, saksi man po kami sa closeness nina GRETCHEN at ATONG sa pagkokober ng sabong events thru PITMASTERS/World Slasher Cup series, kayo na po ang humusga! Tanong lang din po namin, bakit hindi pa payagan ang SABONG at itigil ang e-sabong (online), kung bukod sa Face to Face classes, baha ang gitgitang crowd sa election campaigns.



***

HAPPY BIRTHDAY to RENZ S. TALA of Pampanga, MAR F.SANTOS of Cavite, GISELLE RIVERA -ALEJO of Quezon City, ALFREDDIRECTO, RODELYN J. PICA, Mam GLENDA A. MONTANEZ and Mam BARBY S.LEMOS of AUPC. HAPPY READING!