Advertisers

Advertisers

FACE-TO-FACE CLASSES SA MAYNILA, MALAPIT NA – ISKO

0 194

Advertisers

“MALAPIT na ang face-to-face classes sa Maynila.”

Ito ang inanunsyo ni Aksyon Demokratiko presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno, na sinabi rin na may mga inaprubahan na siyang applications ng ilang eskwelahan para magsagawa ng face-to-face classes sa lungsod sa nalalapit na panahon.

“Marami na akong inaprubahan na schools sa Maynila. Para maiba naman ang environment ng mga bata,” pahayag ni Moreno sa panayam ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA).



Ayon ka Moreno, tiwala siya na maipapatupad ng mga school authorities ang kinakailangang regulasyon para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante, lalo’t nanatili ang pandemya.

“Hangga’t may impeksyon, may nakaambang panganib. But we can learn how to live with COVID and go back to our old lives safely. Tuloy pa rin lahat ng pag-iingat,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Moreno na ang hakbang sa pagpayag na magkaroon na ng face-to-face classes ay kaugnay na rin ng patuloy na pagbaba ng daily COVID cases.

Hanggang noong nakaraang Biyerness, inulat ni Moreno na ang anim na city-run hospitals sa Maynila ay mayroon na lamang limang porsyento ang occupancy rate.

Ang 344-bed capacity ng Manila COVID-19 Field Hospital ay mayroon namang kabuuang eight percent occupancy rate.



“Thank you sa mga doctors, nurses and frontliners. Sa kanila ko utang na loob ‘yung mabisang pangangalaga sa mga patients, both COVID and non-COVID,” sabi ni Moreno.

Nabatid pa mula sa alkalde na ang maraming quarantine facilities sa lungsod ay wala na ring pasyente.

Sinabi naman ng Department of Education (DepEd) na may 17,479 public at private schools ang nominado ng regional offices upang mapabilang sa progressive expansion phase ng face to face classes. Hanggang noong March 28, 2022, may 17,054 public at 425 private schools ang sinasabing nakahanda na para dito.

Samantala, 13,692 public at private schools ang sinasabing lalahok o 78.3% ng mga nominadong paaralan. (ANDI GARCIA)