Advertisers

Advertisers

Isang mahalagang paalala pong muli… “Muling matalinong botante, huwag maging isang bobotante”

0 167

Advertisers

ISANG mahalagang paalala pong muli ang dapat nating tandaan at ipasok sa ating mga kukote para sa kapakanan ng bansa at mamamayang Pilipino lalo na sa nalalapit na eleksiyon sa Mayo 9, 2022.

Palagi nating isa-isip at isa-puso ang mga katagang tayong lahat ay dapat na maging isang matalinong BOTANTE at hindi isang BOBOTANTE para na rin sa ating haharaping kina-bukasan.

Ito na kasi ang takdang panahon na kung saan uso na naman ang utuan at bolahan na siyang pinaka-mabisang makinarya ng mga tatakbong kandidato na nagha-hangad na maging opisyal ng ating bansa.



Kalakip ng mga makinaryang ito siyempre ang walang-kamatayang mga pangako na kadalasa’y napa-pako at walang nagiging kaganapan. Puro bokilya lang na wala man lang katiting na aksiyon.

Marami rin tayong naririnig na sari-saring mga “plata-porma” na balak gampanan ng mga kandidatong ito kung sakaling maluklok sila sa liderato nguni’t sa halip na plataporma at panay PORMA lang pala at walang PLATA.

Pakatandaan natin na tayo ang lumalabas na employer ng mga kandidatong ito na pawang mga applikante pa lang na nais mamasukan bilang empleyado na walang ibang layunin kundi maging public servant at maghatid ng serbisyo-publiko.

Nasa ating mga kamay kung sila ay tatanggapin at bigyan ng pagkakataon upang maging isang ehemplo na walang ibang hangad kundi ang taos pusong manilbihan sa bansa at mamamayang Pilipino.

Bukod sa pagsisilbi, tungkulin din ng mga ito na gabayan at akayin tungo sa kaunlaran ang mamamayan mas lalo na ang mga naiiwanan sa ere at ang mga taong naka-kapit pa rin sa ladlaran ng saya dahil sa kahirapan.



Importante at sensitibo ang mga inaaplayan posisyon ng mga ito mula sa pagka Presidente, Bise-Presidente, Senador, Congressman, Gobernador, Alkalde hanggang sa mga Konsehal.

Kung sakaling papalarin, sa kanilang mga kamay naman nakasalalay ang kinabukasan ng bansa at ng mamamayang Pilipino. Iyan naman ang kanilang obligasyon bilang sukli at pasasalamat sa mga botanteng nagtiwala at nagluklok sa kanilang kinalalagyan.

Sana naman ay suriin at kilatisin nating mabuti ang mga pagkatao ng mga kandidatong ito mula ulo hanggang paa dahil ilan taon din mananatili sa kanilang posisyon ang mga ito. Isang kumpas lang ng kanilang mga kamay ay mahalaga, pwedeng mapariwara at pwede rin namang umunlad.

Ito ang sinasabi nating napakahalaga ng ginagampanan nating papel lalo na tayong mga botante. Huwag sana nating pagsisisihan ang ginawa nating desisyon kagaya ng nangyari sa naka-lipas na administrasyon na kung saan umiling at mag-kibit balikat na lang tayo.

Wala kasing unang pagsisisi, lahat ng pagsisisi ay nasa huli kung kaya’t isang libong beses muna natin isipin bago tayo tuluyang magdesisyon.

TAYO’Y MAGING MATALINONG BOTANTE AT HUWAG MAGING ISANG BOBOTANTE…