Advertisers

Advertisers

Jojo Veloso proud sa kanyang Tres Barakos na sina Rash, Benz, at Massimo

0 621

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

KALIWA’T kanan ngayon ang mga project ng Tres Barakos ng kilalang talent manager na si Jojo Veloso na binubuo nina Rash Flores, Benz Sangalang at Massimo Scofield.
Isa sa FB post ni Tito Jojo ay nagpapakitang happy siya sa kanyang mga alaga: ISLAND OF DESIRE #1 sa VivaMax …
‘Walang pagsidlan ng tuwa si Mudrakels sa naging resulta ng pelikula kahit nde Philmoda Artists ang lahat ng lead stars ng pelikula dahil malaki ang partisipasyon ng mga arista nya tulad nina Rash Flores na gumanap bilang asawa ni Christine Bermas na main lead ng pelikula, si Jela Cuenca na kumadrona ng Isla Bato…si Alvaro John Oteyza bilang asawa ni Jela Cuenca na kaabang abang ang maiinit nilang eksena … pero ang pinaka challenging na character ay yung kay Massimo Scofield dahil dual role sya.. isang boatman at taong grasa .. na nabigyan ng “justice” ang karakter na kanyang ginampanan na sobrang ikinatuwa ni Direk Joel sa mga nde pa nakaka panood.. aba’y panoorin nyo na at wag nyo’ng palalagpasin ang napakagandang obra na eto ng award winning director ng Pilipinas Direk Joel Lamangan… siguradong mag-eenjoy kayo promise.’
Sina Benz at Massimo naman ay abala sa kanilang mga project ngayon.
Nagsimula na ang shooting ni Benz sa pelikulang Secrets ni Direk Jose Javier Reyes with Janelle Tee (Ms Earth Philippines 2018), Denise Esteban, at Felix Rocco.
Kuwento sa amin ni Benz, “Ang tema po ng movie, medyo suspense na may kaunting sexy, pero hindi talaga siya sexy movie.”
Game ba siya kung sabihan siya ni Direk Joey na kailangan niyang magpa-sexy talaga sa pelikula? Aniya, “Tinanong po niya ako sa limitation ko, tinanong niya, ‘Sa butt exposure ba okay lang na ipakita ang kalahati ng butt mo?’ Sabi ko okay lang po kahit buong makita yung puwet ko sa movie, basta ayaw kong ma-expose yung front ko, na makita sa screen.
“Mayroon daw part ng movie na nakahubad ako, tumatakbo sa dagat at dapat walang plaster. Pero hindi naman daw makikita yung private part ko, kasi napakalayo na raw,” wika pa ng guwapitong alaga ni Jojo Veloso.
Si Massimo naman ang leading man ng hot na hot na Vivamax star na si Ayanna Misola sa pelikulang Putaje.
Sa isang panayam ay ipinahayag ni Massimo ang kagalakan sa break na dumarating sa kanya. “Sobrang saya ko kasi nabigyan ako ng chance na ganito na pinapangarap ng karamihang baguhan na tulad ko. I’m really overwhelmed kasi nabigyan ako ng ganitong pagkakataon.
Happy at proud na nga si Tito Jojo sa kanyang Tres Barakos at hindi kami magtataka kung patuloy na aarangkada ang career ng tatlong ito dahil bukod sa seryoso sila sa kanilang career, talagang palaban sa hubaran sa pelikula ang mga machong hombreng ito.