Advertisers

Advertisers

Matapos ang Divisoria Public Market Harrison Plaza lot, ibinenta rin!

0 299

Advertisers

MGA katoto kung nagtataka kayo kung bakit nawala na ang Harrison Plaza (HP) mall na nasa Vito Cruz, Malate, Maynila. Ang Harrison Plaza ang pinakauna modernong mall sa bansa kasunod ng Ali Mall sa Cubao, Quezon City na itinayo noong taong1976.

Patrimonial properties ng Maynila ang kinatitirikan lote ng HP, pero sa hindi malamang dahilan, hindi na ni-renew ang kanilang lease agreement nina Mayor Isko at Vice Mayor Honey Lacuna na nagtapos nitong 2021.

Bakeeet? Your guess is good as mine!



***

YES! Isa na naman patrimonial property ng Maynila ang ibinenta nina Mayor Isko at VM Lacuna bukod sa Divisoria public market.

Sa bisa ng isang Ordinansa (Ord. No. 8722)  na ni-ratify nitong Enero 18, 2021 ng Manila City Council, binibigyang kapangyarihan si Yorme aka Boy Benta na i-dispose na ang malaking lote kinatatayuan ng HP.

Benta uli!

***



SA isa pa Ordinansa (Ord.No. 8733) tuluyan nang sinelyuhan nitong Marso 4, 2021 ang deed of absolute sale na pinasok ng city sa Vancouver Lands, Inc.

Ang Vancouver Lands, Inc di-umano ang pumasa sa 3 bidders na sumali sa public bidding na isinagawa nitong Pebrero 18, 2021. At sa ilalim ng City Council Resolution No. 8 na pirmado ni Vice Mayor Honey aka Aling Simang, ini-award na sa Vancouver ang napakahalaga patrimonial property ng Maynila.

Sa halagang P1.3B lamang!

COVID NA NAMAN ANG ALIBI!

IKINATWIRAN na naman sa pagbebenta sa Harrison Plaza lot ay gagamitin di-umano para sa delivery basic services, purchase of medical equipment, vaccines, medicines  para labanan ang covid-19 virus.

Hindi n’yo ba nahahalata kapareho rin ng kanilang alibi ng ibenta nila ang Divisoria Public Market para daw sa covid response?

Mambubudol talaga ‘to sina Boy benta at Aling Simang!

***

NAKU, pero ang bulong sa atin ng ating insider, mahigit P5B di-umano ang under the table na natangap ng riding in tandem ng Maynila.

At ito umano ang ginagamit na badyet para sa kampanya nilang Bilis Kilos. Pati mga konsehal ay nabibiyaan ng “ayuda’ na umaabot sa P5M piso!

Kaya pala ang dami mo pera Konsi ha?!

LACUNA, ATRAS SA DEBATE NG FCCCII AT NPC?

AATRAS nga ba si Vice Mayor Honey Lacuna sa imbitasyon inorganisa ng Fil-Chinese Chamber and Commerce and Industries Inc (FCCCII) at National Press Club (NPC) bukas, Abril 8, sa FCCCII bldg..

Ayon sa ating katoto hanggang isinusulat natin ang ating kolum, wala pang kumpirmasyon ipinaabot ang tanggapan ng bise alcalde.
Takot o sadyang walang alam sa debate si Simang este si Lacuna?

IKAW MUNA (IM) PILIPINAS
SWITCH TO LENI NOT TO ISKO

UNTI-unti nang nagkakalasan na ang mga supporters ni Yorme Isko Moreno. Ang IM Pilipinas na nagtutulak noon sa kanyang kandidatura noong July 2021 ang ngayon iniwan na sya sa ere!

Nabudol daw kase sila ni Yorme!

***

AYON kay Nick Malazarte, lead convenor ng IM Pilipinas Visayas, malabo nang makahabol si Yorme sa survey para mapabagsak ang nangunguna si BBM kaya’t napagpasiyahan nila bumitaw nang suporta at ibigay na lang ito kay VP Leni Robredo.

Si VP Leni umano ang mas may tsansa at kwalipikado sa pagka-Pangulo sa 2022.

Ngayon lang sila nagising sa katotohanan!

***

(Ang Parating na ang Pagbabago ay lumalabas tuwing Lunes at Huwebes, mababasa rin sa digital platform ng policefilestonite.net)