Advertisers

Advertisers

Sa isyu ng P203B estate tax, fyi mga lodi!

0 249

Advertisers

BINASAG ng mga regional director at mga district official ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa buong bansa ang kanilang katahimikan at ibinunyag na ang mga tagapagmana at administrador ng estate ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ay hindi puwedeng papanagutin sa P203 bilyong estate tax assessment.

Kinontra ng mga opisyal ang pahayag nina dating Supreme Court Justice Antonio Carpio at presidential wannabes Isko Domagoso, Manny Pacquiao, Leni Robredo at iba pa, kasabay ng paliwanag na ang estate tax ay ipinapataw sa real at personal property ng namatay na tao at hindi sa mga ari-arian ng kanyang mga kamag-anak.

Matatandaan na iginigiit nina Carpio at iba pa na si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ay nararapat panagutin sa hindi pagbabayad ng P203-B estate tax, na itinaon ngayong papalapit ang halalan sa Mayo 9.



“I can’t recall of any individual being sent to jail for non-payment of the said tax,” ayon sa isa sa regional director sa panayam ng media.

Lumalabas na kinakatigan ito ng Korte Suprema. Sa isang desisyon, sinasabi ng katas-taasang hukuman (Marcos II v. Court of Appeals, G.R. No. 120880; June 5, 1997, 339 PHIL 253-275) na ang pagkakautang sa estate tax ay pananagutan ng estate at hindi ng tagapag-mana o administrador ng nasabing ari-arian ng isang pumanaw.

“In the case of notices of levy issued to satisfy the delinquent estate tax, the delinquent taxpayer is the Estate of the decedent, and not necessarily and exclusively, the petitioner as heir of the deceased. In the same vein, in the matter of income tax delinquency of the late president and his spouse, petitioner is not the taxpayer liable,” pahayag ng Korte Suprema.

Samantala, ipinaliwanag pa ng opisyal ng BIR na ang tamang gawin sa ilalim ng Tax Code at revenue regulations ay kumpiskahin at ibenta sa public auction ang mga ari-arian ng namatay para ma-settle ang pagkakautang nito, kung meron man.

“That is what we have been doing for years since the death of the former strong man, but the problem nobody was interested in buying them,” dagdag ng opisyal.



Tila sinagot din ng mga opisyal ang mga batikos sa kanila na wala silang ginagawa ukol sa naturang isyu.

Idinagdag pa nila na noong namatay si Marcos noong 1989, inayos ng mga revenue examiner ang kanyang tax estate na umabot sa P23 bilyon.

Tumaas ang deficiency tax nito sa mahigit P203 bilyon dahil sa one-time 50 percent surcharge at 20 porsyentong taunang interest.

“It’s not a coincidence that rivals of presidential frontrunner Bongbong Marcos are raising this matter in unison a few weeks before the elections, sadly this is all about politics,” ayon sa isang opisyal

Kamakailan ay binatikos din ng kampo ni Marcos ang pagpapalabas ng naturang isyu na bahagi pa rin ng maruming pulitika ng kanyang mga kalaban.

O ayan na po, mismong mga taga-BIR na ang nagsasalita at naglalabas ng mga kasinungalingan ng mga taong namumulitika.

Nabuking tuloy ng taongbayan na ginagamit lamang ng mga kalaban ni BBM ang isyu sa estate tax para sirain at batuhin ng putik ang batang Marcos.

Naglulubid ng matinding kasinungalingan para lokohin ang mamamayan pero at the end of the day, sa mga pagmumukha na rin nila bumabalandra ang mga kasinungalingang ito.

Tatlo sa mga presidentiable na todo-todong ginamit ang “estate tax issue” ay sina Leni Robredo, Isko Moreno at Manny Pacquiao na desperately running behind Marcos Jr. in all fronts ng mga presidential surveys.

Sa halip na madurog at masira si Bongbong Marcos, lalo lamang tumitibay ang simpatya ng mga Pilipino sa inaaping si BBM.

Sa dami ba naman ng ibinabatong akusasyon laban kay Marcos, bakit hindi ito natitinag at naaapektuhan?

Isa lamang po ang alam nating sagot dyan!

Na ang mga paninira at lahat ng pag-atake laban sa katauhan ni BBM at ng mga Marcoses ay pawang walang katotohanan.

‘FYI para sa inyong mga bobo ika nga ni senatorial bet Atty. Larry Gadon’!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com