Advertisers
Si Joey Venancio ay on-leave. Siya’y kandidato sa pagka-kongresista sa kanilang lalawigan, Romblon. Ang kolum na nababasa n‘yo ngayon ay gawa ng kanyang editor.
IIMBESTIGAHAN at kakalkalin ng Senado ang kapabayaan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa hindi parin nababayarang estate tax ng pamilya Marcos na umaabot na sa P203 billion.
Si Senador “Koko” Pimentel, anak ng yumaong dating Senate President “Nene” Pimentel na naging biktima ng matinding pahirap ng diktador na Ferdinand Marcos, Sr. noong Martial Law, ay nag-file ng Senate Resolution 998 na nagtutulak para imbestigahan kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin nasisingil ng BIR ang P203-B nang estate tax ng Marcos after 25 years.
Samantalang kapag ang ordinaryong mamamayan ang hindi nakakapagbayad ng tax sa BIR ay kinakasuhan agad. Napaka-unfare, hindi ba?
Actually, ang estate tax ng Marcos simula nang itapon sila sa Hawaii ay nasa P9 billion lamang, lomobo sa P23 billion noong 1991 hanggang sa ito’y pumalo na sa P203 billion dahil sa mga penalties at interest.
Kapag hindi pa ito nabayaran ngayon, aabot ito ng trillion. Kukulangin ang kayamanan ng Marcos para mabayaran ito. Oo! Alam ito ng mga Marcos. At mabubura lamang ang lahat ng pagkakautang nilang ito sa BIR kapag naging Pangulo si Bongbong Marcos Jr. Mismo!
Base sa court records, ang pamilya Marcos nang lumipad pa-Hawaii noong 1986 EDSA Revolution ay may dalang 22 baul ng $717 million, 300 baul ng iba’t ibang mga alahas na hindi mabatid ang halaga, $4-million halaga ng ilang sets ng diamonds, at %7.7 million halaga ng mga alahas at iba pa. Yan ang binabayarang estate tax ng pamilya Marcos.
Sabi ni dating Senate President Enrile na nag-aabogado ngayon sa Marcos matapos maging isa sa mga operator ng pagpapatalsik sa pamilya Marcos at nakalalaya lang ngayon dahil sa piyansa sa kasong Plunder, “Iyong ‘estate’ tax nga eh, buwis ng estate at hindi buwis ni Bongbong. Hindi buwis ni Imelda. Hindi buwis ni Imee. Buwis ng estate ni Presidente Marcos.”
Pero sabi ng retired Supreme Court Sr. Associate Justice na si Antonio Carpio: “Clearly, the Tax Code and its implementing regulations impose upon the co-administrators of the Marcos Estate the primary obligation to pay the estate tax, and the subsidiary oblofation to pay the estate tax falls on all the heirs in proportion to their distributive share in the estate.”
Tama si Carpio!
Aba’y dapat talagang bayaran ng pamilya Marcos ang estate tax na ito. Hindi magandang halimbawa na ang isang presidente, kapag nahalal si BBM, na ang lider ng bansa ay siya mismong hindi nagbabayad ng tax. Mismo!
Si BBM ay convicted din ng Quezon City RTC sa kasong tax evation, na pinababa lang ng Court of Appeals sa ‘failure of filing ng income tax return’ kungsaan ay pinagbabayad lamang siya ng multa pero hindi niya parin ito nababayaran hanggang ngayon, ayon sa BIR.
Ang kandidatura ni BBM ay nahaharap sa disqualification sa Comelec na hanggang ngayon ay hindi parin nadedesisyunan. Sabi, ngayon Abril daw ito dedesisyunan.
Kapag nanalo si BBM at ang desisyon ng Comelec ay bumaba after election na hindi pabor sa kanya, ang uupo na presidente ay ang nanalong bise presidente.
Exciting ito. Abangan!