Advertisers
Si Joey Venancio ay on-leave. Siya’y kandidato sa pagka-kongresista sa kanilang lalawigan, Romblon. Ang kolum na nababasa n‘yo ngayon ay gawa ng kanyang editor.
OPO! Sa nalalabing isang buwan ng kampanya, kitang kita na kung sino nalang ang maglalaban para sa sunod na maging pangulo ng bansa. Obviously nasa pagitan nalang nina Vice President Leni Robredo at dating Senador Bongbong Marcos, Jr.
Kahit sa surveys ay totally “out of the race” na ang ibang katunggali nina Leni at Bongbong na sina Manila Mayor Isko Moreno, Senador Isko Moreno at Senador Manny Pacquiao, labor leader Leody de Guzman at apat pa.
Pero siempre, sabi nga… “habang hindi pa napipisa ang itlog huwag munang magbilang ng sisiw” at “habang may buhay, may pag-asa”. Oo nga naman. Hehehe…
Pero kung ako kina Isko, Ping, Manny at Leody, kesa mag-aksaya pa ng pera at pagod sa mga nalalabing linggo ng kampanya, aatras nalang ako at susuporta sa winnable presidentiable na may malinaw na plataporma de gobierno at higit sa lahat ay malinis ang track records. Tama!
Sabi ng aming sources, sina Pacquiao at Robredo ay nag-uusap na para sa posibleng pagwidro ng boxing politician para sumuporta nalang sa abogadang presidentiable.
Kung totoo ito, tama si Pacquiao sa kanyang desisyon. Dahil malabo pa sa sabaw ng pusit na makahabol pa siya frontrunners na sina Leni at Bongbong.
Base sa survey, si Pacquiao ay nasa 5 percent lamang ang tsansang manalo. Kitang kita naman ito kahit sa kanyang mga rali, iilan lang ang dumadalo at ang habol pa ng mga pumupunta ay ang kanyang ipinamimigay na P1K. Hehehe…
Maging sina Isko at Ping ay malayong malayo sa mga nangungunang sina Bongbong at Leni.
Nasa 15 porsiyento lang si Isko at less than 10 percent lang si Ping. Ibig sabihin ay suntok na sa buwan ang kanilang panalo.
Ang nangunguna sa surveys na si Bongbong ay nasa 50 percent plus, habang si Leni ay 25% plus.
Pero sa mga People’s rally ni Leni, kitang kitang ang malaking lamang niya kumpara sa mga rally ni Bongbong.
Oo! Habang nalalapit ang halalan sa Mayo 9, patuloy ang pagtaas ng rating ni Leni. Mula sa 1 percent ay napag-iiwanan niya ng milya milya sina Isko, Ping at Manny. Kabadong kabado na nga ang kampo ni Bongbong.
Ito rin ang nangyari noong talunin ni Leni si Bongbong sa Vice Presidential race, mula sa 1 percent ay tinalo ni Leni si BBM ng hakos isang milyon na lamang, kungsaan nagpa-recount pa si BBM sa Korte Suprema pero lalo lamang lumaki ang lamang ni Leni.
Yan ang ikinababahala ngayon ng kampo ni BBM. Dahil sigurado na ang bomoto noon kay Leni ay sila parin ang bilang ng Bise Presidente ngayon at maaaring madagdagan pa dahil ang mga Muslim ay nagpahayag na hindi nila susuportahan si BBM dahil sariwa pa ang sugat sa kanila na likha ng Martial Law ng ama ni BBM na si Marcos Sr..
Katunayan, ang isinusulong ng mga taga-Mindanao lalo ang mga kababaihan ay ang Leni-Sara tandem. Araguy!!!
Ang Mindanao ay may higit 15.6 million registered voters, ayon sa Comelec. Kung ang 50 percent rito ay mapunta kay Leni, panalo na!
Sa mga rali ni Leni sa iba’t ibang rehiyon o lalawigan, kung lahat ng dumalo ay boboto, landslide ang panalo ng Bikolanang presidentiable.
Let’s sa May 9. Exciting ito…