Advertisers

Advertisers

Cloe feel maging action star ala-Angel

0 282

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

NAKAGUGULAT na sa kanyang sexy image ay feel pala ni Cloe Barreto na gumanap sa pelikulang aksyon.
“Yes po, gusto kong maging action star, yung tumatalon-talon parang si Angel Locsin,” sey ni Cloe sa story conference ng psychological thriller film niyang Tahan mula sa produksyon ng 3:16 Media Network ni Ms. Janilyn Carrillo at Mr. John Bryan Diamante at direksyon ni Bobby Bonifacio, Jr. nitong nakalipas na April 4 sa Music Box sa Timog, QC.
Tsika pa ni Cloe, super thankful anya siya sa writer ng Tahan na si Quinn Carrillo na anak ng produ na si Mam Len at co-star din niya sa pelikula dahil sa kanya ipinagkatiwala ang pagganap bilang bidang artista sa istorya ng Tahan.
Mas mapangahas ang role rito ni Cloe dahil isa siyang prostitute na ibinubugaw ng gumanap na ina niya sa movie na si Ms. Jaclyn Jose.
Tsika naman ni Jaclyn, masaya anya siya na nakakatulong sa mga baguhang artista dahil minsan din niyang naranasan maging bagito at sinuportahan ng mga veteran stars.
Super excited naman si Cloe dahil makakasama niya sa Tahan si Jaclyn na paborito raw niyang aktres dahil tiyak umanong mahahatak siya sa husay nitong umarte.
Masaya rin ang sexy star at pumayag na makapareha niya sa movie si JC Santos na karaniwang lumalabas sa mga romcom films.
“I like working with new actors kasi marami rin silang maibibigay na bago. May matututunan din sa kanila na bago,” sabi ni JC.
Hanga rin si Cloe sa kanyang direktor sa Tahan na si Bobby Bonifacio, Jr. na ang forte ay pelikulang may temang suspense/thriller dahil siguradong mailalabas nito ang kanyang abilidad sa pag-arte.
Sa gitna ng storycon ay hindi napigilang mapaluha ng dalaga dahil daw sa muling pagtitiwala sa kanya ng 3:16 Media Network na magbida sa aniya’y napakagandang pelikula na gaya ng Tahan.
Akala raw kasi ni Cloe ay hindi na masusundan ang unang pinagbidahan niyang Silab kaya aminado siya na dumanas ng depresyon.
Kaya sa pagdating ng Tahan ay nanumbalik ang sigla ni Cloe na sabi nga niya ay nagpaseksi siya nang todo para paghandaan ang kanyang role sa movie.
Maliban kina Jaclyn, JC at Quinn, kasama rin sa Tahan sina Karl Medina, Mercedes Cabral, Mac Cardona, AJ Oteyza, Joseph San Jose, EJ Salamante at Stiff Banzon.