Advertisers
Health is not valued till sickness comes. — Thomas Fuller
KUNG mayroon mang napagtanto tayo sa panahon ng pandemya ng coronavirus, ito’y ang halaga ng pagkakaroon ng affordable at accessible na healthcare system at ito naman ang isinusulong ni independent Quezon City congressional candidate ROSE NONO-LIN dahil makikinabang dito ang mamamayan, partikular na ang mahihirap at mga pamilyang maliit lamang ang kinikita.
Ayon kay Nono-Lin, nakita naman ng karamihan kung paano nadiskaril ng kasalukuyang situwasyon sa bansa ang adhikain ng pamahalaan na mapabuti ang kalusugan ng ating lipunan na malaki sana ang maitutulong sa ating ekonomiya at kaunlaran.
Dangang nga lang ay napansin din ng kandidatong mambabatas para sa ika-5 Distrito ng Quezon City ang hindi pantay na healthcare dito sa atin na ang nakikinabang ng husto ay yaong may mga pera lang at mayayaman.
Pinunto niya: “Gusto ko lang magkaroon ng affordable and accessible healthcare. Sinasabi nila na karapatan natin pagdating sa kalusugan ay pantay-pantay pero hindi po ito ang totoong nangyayari sa grounds. Kung sino ang may kakayanan o may pinansyal, sila ang nakakakuha o makakakuha ng the best care for their health.”
“Paano naman iyong mga kababayan natin o mga kadistrito natin na kumakayod araw-araw para makapagbigay ng masarap na pagkain sa hapag-kainan nila but they don’t have extra money to pay for their laboratories (and medical needs)?” tanong pa nito.
Ito ang dahilan, paliwanag ni Nono-Lin, kung bakit itinutulak niya ang pagkakaroon ng mga laboratoryo (at klinika) na makakapagbigay ng libreng serbisyo hindi lamang sa lungsod o kanyang distrito kundi sa bawat barangay upang mapangalagaan ang kalusugan ng bawat mamamayan.
Binanggit din ng negosyante ang kanyang pagnanais na magpatayo ng isa pang ospital sa kanyang nasasakupan na magkakaroon ng mga frontline facility na maaaring makapagbigay sa lahat ng mahalagang medical attention.
“Magpapatayo po tayo ng isa pang district hospital dito sa District V (at) gusto ko hindi pusho-pusho na ospital. Ibig sabihin, (iyong) maayos (dahil) buhay ang sinasalba natin kaya dapat ang mga equipment o facilities na mayroon tayo ay kayang magligtas ng buhay,” kanyang idiniin.
Bukod dito, magpapatayo din siya ng mga laboratoryo na may sapat na bilang ng mga duktor at medical staff.
“May mga duktor na titingin at mag-aaruga sa mga pasyente at may mga gamot na naka-ready anytime para kahit papaano makatulong tayo,” aniya.
Sinabi pa ni Nono-Lin na may plano siyang solusyunan ang kakulangan ng mahuhusay na mga medical practitioner.
“Sa mga duktor at nurse at any related na trabaho, ang vision ko po ay mapunan ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng full grant scholarship sa mga kabataang gustong mag-aral in medical fields para nasiguradong na sarili nilang pamilya ang aalagaan nila at hindi nila pababayaan ang mga ito,” sabi nito.
Sa huli, binigyang-halaga niya ang pagkakaroon ng malusog na mamamayan at lipunan upang makamit natin ang full recovery mula sa impact ng pagbagsak ng ating ekonomiya sanhi ng coronavirus pandemic.
“Mahalaga ang kalusugan ng bawat isa sa atin at kung hindi natin mapapangangalagaan ang kalusugan natin, lahat ng pinaghirapan natin ay mapupunta lang sa wala,” pagtatapos niya.
* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!