Advertisers
Ni BETH GELENA
ISA si Piolo Pascual sa mga celebrities na prinank ni Bea Alonzo dahil month nga ng April Fools.
Nang makontak ng former Kapamilya actress si Papa P ang agad na tanong nito, “May sama ka ng loob sa akin?”
Nakarating daw kasi sa aktres na hindi umano nagustuhan ng aktor ang paglipat niya sa GMA7.
Itinanggi naman ni Papa P ang akusasyon ni Bea.
Patuloy na ‘pinaglalaruan’ ni Bea.ang lead actor sa romcom sitcom na My Papa Pi na napapanood every Sunday sa lahat ng Kapamilya platforms.
“GUSTO ko lang tanungin kung totoo bang may sama ka ng loob sa akin?” sey ni Bea sa kabilang linya.
Dugtong pa niya, “May nakausap kasi ako. Gusto ko tanungin ka nang diretso. Parang nag-air ka yata ng sama ng loob tungkol sa paglipat ko sa taong kausap ko. Siyempre di ko na sasabihin kung sino.”
Pakiramdam ni Bea ay napapaisip si Papa P sa kanyang sinabi kaya sinabi na rin niya ang totoo.
“Alam mo yung akala ko talaga magkaibigan tayo. Matagal na…wala lang, gusto ko lang sabihin sa ‘yo na prank call ito!” natatawang sabi ng aktres.
Ang sagot ni Papa P, “Adik ka. Yun na yun?!”
Samantala, pinost ni Bea ang first taping day nila ng Start Up na pagtatambalan nila ni Alden Richards.
Post ni Bea ay isang larawan na nakatanaw siya sa papalubog na araw sa kanyang social media.
Ang caption na sinulat ng aktres: “First taping day for my new series as a Kapuso. Thank you Lord, for blessing us with this beautiful sunset today. This reminded us of how wonderful you are and how amazing your plans are for each and every one of us. I trust that you will guide me as I embark on this new journey.
“Handa na akong makilala ka DANI #StartUp”
Komento ng mga netizen.
“noong nasa abs si bea, wala siyang post post ng mga show niya. talent management ang gumagawa sa kanya. wala lang”
“Iba kasi ang packaging sa kanya ng star magic noon. Very mysterious yet pang masa sa movies. Ngayon kay shirly i think ginagawa siyang pang masa talaga at mainstream”
“Meron, lahat ng movies at teleserye niya may post siya pag first day. Sa A love to Last may post pa nga siya ang dialect ng Batagas at sa pagiging Andeng niya. May post nga siya na sitting pretty sa bintana ng bahay ni Andeng”
“Lahat ng roles ni Bea may pa tribute. Naalala ko yung role na Eerie meron picture na madre siya at may appreciation post pa nung tapos na ang shooting.”
***
SHARON SINORPRESA NI SEN. KIKO SA ILOCÒS
NASORPRESA si Megastar Sharon Cuneta nang biglang dumating ang kanyang pamilya sa taping ng Ang Probinsyano sa Ilocos Norte.
Sa Instagram account ni Megastar in-upload niya ang video kung saan biglang sumulpot ang mga anak na sina Miguel at Miel at ang hubby na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan.
Ang caption ni Sharon a.k.a. Aurora sa FPJ’s Ang Probinsyano, “Sorry I used a make-up filter kasi ang putla ko! Tuloy, NAMAKEUP-AN KO PATI ASAWA KO AT ANAK KONG LALAKI! Hahahaha! Surprise visit of my family in Ilocos today!!! Am soooo happy!!’ Thank You, Jesus! They have to fly back to Manila before sunset today, though. That’s okay. Will be home with them soon!”
Ibinahagi rin ng Megastar ang detalye kung paano ang sorpresang ginawa ng pamilya sa kanya.
Aniya: “What do you do when it’s another day-off for you and you’re in your bedroom enjoying the quiet and missing your family so much. And then you hear a knock on the door and your whole family surprises you. The family that is not in New York. Two girls are in New York but I have my boys and my Yelli.”
Mukhang hindi pa yata alam ni Sharon na narito na sa Pinas ang panganay niyang anak na si KC Concepcion at wala na sa New York.
Dumating si KC three weeks ago pa.
Nabanggit kasi ng Megastar na ang dalawa niyang anak na babae, sina KC at Frankie ay nasa New York.
But the truth is si Frankie na lang ang naroroon.
Katunayan naka-bonding na nga ni KC ang kanyang half sistèrs sa amang si Gabby Concepcion.
***
TOTOO kayang deactivated na ang IG account ni Gretchen Barretto?
Ito ang katanungan ng mga netizen sa socmed account ni La Greta.
Espekulasyon ng mga netizen baka raw kaya nag-deactivate ang account ni Gretchen ay dahil sa sigalot umano sa pagitan nina Gretchen at Senator Bato de la Rosa.
Pero ang komento ng mga netizen,
“Either na hack or na bato?”
May pabirong sumagot, “Baks dun ako sa na-BATO. >#>#>#”
May nagsasabi namang, “Baka tumatalpak pa”
“Babalik at babalik din yan”
“Hacked ulit? “Hacked”…
“May post na naman sya about talpakan? Or baka nag cause ng problems yun pag sabi nya about Bato?”
Marami ang nag-aabang sa sagutan nina La Greta at Bato kaya marami ang nanghihinayang, “Sayang ang < natapos agad ‘<==”
“Bka may nag advise na preno and mag ingat muna sya sa binibitawan nya na words for her own safety.”