Advertisers

Advertisers

Sey ng talent manager…Liza parang si Bea, pinaaalis ang press people sa list ‘pag ‘di feel

0 196

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NANINIWALA ang netizens na may kinalaman si Bea Alonzo sa pagkakatsugi ng namesung ni Manay Lolit sa list sa isang presscon.
Till now ay ‘di pa rin tinatantanan ng talent manager-writer ang pagbira nito kay Bea.
Talagang sukdulan daw ang galit nito sa Kapuso actress.
Nakaka-offend naman daw kasi para sa isang Manay Lolit na isa nang beterana tapos na-scratch pa sa listahan ng press people dahil sa isyung edad.
Ang talent manager naman na si Ogie Diaz ay nagduda na sadyang may kinalaman si Bea sa pagkawala ng pangalan ni Lolit sa list.
Patotoo pa nito na ganun din daw ang alagang si Liza Soberano kapag may press na natira ang aktres ay burado ito sa listahan ng presscon.
Kahit ang mga netizen ay may kutob na may kinalaman si Bea sa pagtanggal sa name ng talent manager.
Mukha naman daw mapapatawad ni Manay Lolit si Bea basta tawagan at kausapin man lang siya.
Pero hanggang hindi ay talagang di anya siya nito titigilan na birahin.
Well, matapos na nga raw sana ang hidwaan sa pagitan ni Lolit at Bea.
***
Maris Racal no way sa second chance
KUNG si Maris Racal ang tatanungin kung aprub ba ito sa second chance after na magkahiwalay ang magdyowa.
Bigla tuloy pumasok sa utak ni Maris na dati na siyang nakipag-break at matagal bago ito naka-move.
Nagbigay payo pa ang gf ni Rico Blanco na una ay mahalin mo nga raw ang sarili mo.
Gawing busy ang sarili para sa unti-unting paglimot sa nakaraan.
At kapag healed na ay puwede ka na nga raw makipag-friendship sa ex mo kung pagtatagpuin pa raw ng tadhana.
If ever naman na bumalik or humingi ng secomd chance, case to case basis nga raw ayon sa singer-actress.
Pero kung babalik at humihingi ng second chance at may nadarama ka pang pag-ibig ay nasa taong binabalikan na ang desisyon.
Para kay Matis ay hindi umano niya carry ang second chance, puwede nga raw patawarin pero ‘di para maging kayo uli.
Well, well, well…’Yun na!