Advertisers
MALAKI ang paniniwala ni Magsasaka Partylist Rep. Argel Cabatbat ang smuggling ng agricultural at poultry products na posibleng sanhi ng bird flu outbreak ngayon sa bansa.
Sa tutuo lang mga Ka Usapang HAUZ, kamakailan ay nagdeklara ng outbreak ang Department of Agriculture (DA) dahil sa mga kaso ng Avian Influenza (AI) H5N1 sa duck at quail farms sa Bulacan, Pampanga, Laguna, Camarines Sur, Nueva Ecija, Bataan, Tarlac, Sultan Kudarat at Benguet. Nag- isyu na rin ang ahensya ng memorandum orders na nagbabawal sa pagpasok ng domestic at wild birds mula sa mga bansang may kaso ng bird flu.
Inilahad ng Mambabatas ang ilang insidente na maaaring nagpapasok ng mga sakit na panghayop sa Pilipinas. Noong Oktubre 2019, nasabat ng Bureau of Customs ang dalawang containers ng puslit na pork at meat products galing China na nagkakahalaga ng P3.5 milyon. Kalaunan, napag-alamang kontaminado ito ng African Swine Fever (ASF). Mayo naman ng 2021, frozen meat at assorted agri-fishery products na nagkakahalaga ng P100 milyon ang nakumpiska sa Navotas City, at halos kalahati ay ASF-infected din.
Paliwanag ni Cabatbat mga Ka Usapang HAUZ na ilan lang ito sa nahuli. Aniya, “Paano ‘yung mga produktong hindi nasabat, o hindi man lang nai-report? Nanggaling na mismo sa DA na nasa P650 milyon ang halaga ng naharang na smuggled items simula April 2021. Sigurado, may kasamang poultry products dyan.”
“Klaro naman ang Food Safety Act of 2013 at Customs Modernization and Tariff Act: bawal ang imports kung walang maayos na sistema sa port of first entry pa lang. Lahat ng papasok na shipment dapat binubusisi – inspeksyon, clearance, quarantine. Kalusugan ng konsyumer ang pinag-uusapan dito. Dapat ligtas ang pagkain. Iba pa yung dulot na perwisyo ng imports sa mga magsasaka at mangingisda na hirap makipagsabayan sa murang presyo ng mga produktong ‘yan,” dagdag ni Cabatbat.
Wala pang naitatayo ang DA na first commodity examination facility for agriculture. Layon nitong isalang ang lahat ng papasok na food at agricultural products sa 100% sampling at laboratory testing.
Mayo 2020 pa lang, naghain na si Cabatbat ng House Resolution 824 upang imbestigahan ang naiulat na bird flu outbreak sa Jaen, Nueva Ecija, at tanungin kung handa ba ang pamahalaan na mapigilan ang pagkalat nito. Noong isang taon, ini-akda rin ng deputy minority leader ng Kamara ang House Resolution 2282 para siyasatin ang border inspection facilities ng bansa upang masawata ang smuggling ng gulay at iba pang agri products.
***
Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 0935-2916036