Advertisers
SARA ALL. Ito ang namutawi sa labi habang nangangampanya ang nagbabalik sa pagka-Mayor ng Bacoor na si Deputy Speaker at 2nd District Rep. Strike Revilla kamakailan.
“Hiling ko po ang tulong niyo upang masigurado ang panalo ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa pagka-Bise Presidente sa darating na eleksyon sa Mayo. Suportahan po natin ang BBM-SARA tandem na siguradong magiging malaking tulong sa bansa,” pahayag ni Revilla na 100 porsyentong inaasahan makabalik bilang Mayor ng Bacoor dahil sa dami ng naging proyekto nito.
Si Revilla ay kampante na malaki ang matutulong ng anak ni Presidenteng Rodrigo Roa Duterte sa bansa, Lalo na kung mag-wawagi din si former Senator Bongbong Marcos, paniwala nito.
Si Revilla din ay naging 9 na taong Allkalde ng Bacoor bago maupo sa Kongreso at nagbabalik dahil na din sa hiling ng mga mamamayan ng Bacoor.