Advertisers

Advertisers

AJ Oteyza ok lang malinya sa role na macho dancer

0 766

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

WALANG kaso kay AJ Oteyza kung malinya man siya sa papel na macho dancer sa mga pelikulang natotoka sa kanya.
Kabilang sa mga nagawa na niyang pelikula ang Island of Desire at Moonlight Butterfly ni Direk Joel Lamangan at Mamasapano. Sa Anak ng Macho… ni Sean de Guzman, macho dancer ang role niya at sa gagawing pelikulang Tahan starring Cloe Barreto, ganoon ulit ang magiging papel niya.
Pahayag ni AJ, “Ang role ko po sa Tahan, isa po akong macho dancer sa club na makikilala ni Elise (Cloe).”
Parang nalilinya siya sa role na macho dancer, okay lang ba ito sa kanya?
Esplika ng maskuladong talent ni Jojo Veloso, “Isang malaking karangalan ang mapabilang sa mga pelikula ng mga batikang artista na talaga namang pinapangarap ng maraming nagsisimula pa lang sa showbiz, na tulad ko po.”
Dagdag pa ni AJ, “Okay lang po sakaling malinya ako sa role na macho dancer, okay lang din po tito kung tumatak or mas makilala ako ng viewers sa pagiging macho dancer sa ginagampanan kong role sa movies.
“Hindi naman dapat ikahiya yung pagiging macho dancer at trabaho lang naman po iyon. Basta ang importante po ay wala tayong inaapakang tao o ninanakaw.”
Parang makakarelasyon niya ba o makaka-love scene si Cloe sa Tahan?
“Makaka-love scene po,” matipid na tugon ni AJ.
Ano ang feeling niya na makaka-love scene niya ang isang mahusay at napaka-seksing aktres?
“Excited po, kasi panibagong artista ang makakasama ko and talaga naman pong mahusay siyang umarte noong napanood ko yung movie nilang Silab. Magaling talaga si Cloe,” pakli pa ng aktor.
Sa Tahan ay gaganap si Cloe bilang si Elise na isang high class escort at maraming sikreto sa buhay. Si Elisse ay kabit ng isang wealthy businessman at isang babaeng adik sa sex.
Kung sinu-sinong lalaki ang nakaka-wrestling niya sa kama, iyong iba ay binabayaran siya, yung iba ay trip niya lang maka-sex. Masalimuot ang pinagdaanang buhay ni Elisse, dahil mismong sarili niyang ina (played by Jaclyn Jose), ang nagbugaw sa kanya mula nang siya ay 11 years old pa lang.
Tampok din sa Tahan sina JC Santos, Quinn Carrillo, Mercedes Cabral, Karl Medina, Mac Cardona, EJ Salamante, Joseph San Jose, at ang nagbabalik na talent ni Ms. Len Carrillo na si Stiff Banzon.
Ang executive producers ng Tahan ay sina Ms. Janilyn Carrillo at John Bryan Diamante. Ito ay isinulat ni Quinn at pamamahalaan ni Direk Bobby Bonifacio Jr.