Advertisers
MAGDARAGDAG nga pala ng puwersa ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga lugar sa Metro Manila bilang paghahanda sa nalalapit na eleksiyon.
Katunayan, ayon kay NCRPO Chief Police Major General Felipe Natividad, tinatayang 2,584 na mga miyembro ng regional office ang sumalang sa mandatory career courses sa mga training centers para sa pagsabak nila sa kanilang election duties.
Ayon kay Natividad, layunin nitong ipamalas ang kahandaan at kapabilidad ng mga pulis sa kanilang hanay lalo na ngayong panahon ng halalan.
Siyempre, titiyakin din nila na magiging ligtas ang mga mamamayan laban sa mga election-related violence o anumang insidenteng mangyayari sa kanilang lugar.
Good luck at more power sa ating mga mamang pulis!
SUPORTAHAN ANG MULTI-AWARDED BROADCAST JOURNALIST NA SI REY LANGIT
Muling tumatakbo sa pagka-senador ang multi-awarded broadcast journalist at columnist na si Sir Rey Langit.
Hall of fame awardee si Langit at nakasungkit na ng maraming parangal tulad ng CMMA – Catholic Mass Media Awards; KBP – Golden Dove Awards; at Rotary Club of Manila, Journalism Awards.
Kilalang batikang mediaman, si Langit na tagabantay at tagasiwalat ng mga kabulukan at pagmamalabis ay nagsabing nais niyang makatulong sa higit na nakararaming Pilipino.
Bago ako naging field reporter ng DWIZ 882 ay naging newswriter muna ako ng istasyon at doon ko nakilala si Sir Rey.
Mabait, masipag, maaalalahanin at matulungin ang mamang ito.
Medyo matagal din akong naging producer ng kanyang programa sa radyo na “Kasangga Mo Ang Langit sa IZ” na umeere noon tuwing alas-6:00 ng umaga bago siya lumipat ng ibang istasyon.
Suportahan po natin ang kandidatura si Sir Rey sa darating na halalan.
Kung papalarin siya sa kanyang pagsabak sa senatorial race, isang magandang pagkakataon ito para makatulong na maiangat ang ating lipunan at mga mahihirap na mamamayan sa pamamagitan ng mga isusulong niyang legislative reforms.
Mabuhay po tayong lahat at God bless!
* * *
PARA naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-private message sa aking Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Paki-subscribe na rin po ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat po at stay safe!