Advertisers

Advertisers

MAG-INGAT, 35% TATAAS COVID-19 CASES – DOC WILLIE

0 419

Advertisers

MABUTING laging mag-ingat ang publiko, babala ni Aksyon Demokratiko vice-presidential candidate Dr. Willie Ong sa posibleng pagtaas ng 35 porsiyento ng COVID-19 cases pagkatapos ng eleksiyon sa Mayo 9.

Sa panayam sa kanya ng media matapos na makipagkita sila ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at mga kandidatong senador Samira Gutoc, Dr. Carl Balita, Jopet Sison at Atty. John Castriciones sa bahay ni Ipil, Zamboanga Sipugay Mayor Inday Amy Olegario nitong Miyerkoles, Abril 7, sinabi ni Dr. Ong, may natuklasang bagong mutant variant, ang XE na mas mabilis kumalat at makahawa kumpara sa iba pang uri ng virus.

Sa balita, pinag-aaralan ng maraming doktor at opisyal sa kalusugan ang bagong mutant kaya kailangan na sa ngayon pa lamang ay maghanda na ang mga ospital, mga doktor, nurses at iba pang health workers.



“Just in case dumating ready tayo at hindi tayo magla-lockdown agad-agad na lang. Sa ngayon mababa naman, less than 2 percent ang positivity rate ibig sabihin maliit ang tsansa na makahawa sa panahon na ‘to,” paliwanag ni Doc Ong.

“Lagi tayong sumunod sa health protocols at laging magsuot ng face mask at panatilihing malusog ang ating pangangatawan, iba na ang maalam at maliligtas sa kapahamakan,” sabi ng kandidatong bise presidente.(BP)