Paolo mabilis na ni-like ang selfie photo ng ‘bespren’ na si Yen; Naked pic ni Alden, peke kaya talent agency magdedemanda
Advertisers
Ni BETH GELENA
PA-MISTERYOSO epek ang rumored (?) celebrity couple na ito.
Ang tinutukoy namin ay sina Paolo Contis at Yen Santos na mula nang nagpareha sa pelikulang A Far Away Land ay hindi na natapos ang isyu sa kanila dahil nga ‘friends’ nga lang daw sila.
Si Yen din umano ang naging dahilan kaya nagkahiwalay sina Paolo at LJ Reyes na may isang anak.
Kamakailan naman ay kesyo binura na raw lahat ni Yen ang mga larawan ni Paolo sa kanyang Instagram account
Wala naman binigay na detalye ang aktres kaya in’-assume ng mga netizens na hiwalay na ang ‘friends’ only basis.
But the following day ay nakita ang dalawa na magkasama sa isang mall, if I am not mistaken.
This time, viral na naman sila dahil ni-like ni Paolo ang selfie photo ni Yen na ipinost sa social media na gamit ang senyora sa Facebook account.
Mabilis ang reaksiyon ni Paolo sa post ng social media influencer na si Senyora sa kanyang Facebook account
Ibinahagi ni Senyora sa kanyang account ang screenshot na kuha sa Instagram post ni Yen na parang bago ang hairstyle ng Kapamilya aktres
Naka-tag sa post ni Yen ang Instagram account na “@zero1story_.”
Ang naka-tag na zero1story ay isang beauty salon na matatagpuan sa Bonifacio Global City, Taguig City.
Mukhang kilala ni Senyora ang rumored celebrity couple.
Dahil nang makita ito ni Paolo sa kanyang FB account ay.agad niyang ni-like ang photo ni Yen.
“Stay strong to my favorite best friends [heart, raised fist emojis]”
Agad na nag-reply si Paolo, “Salamat.. bilis ha!”
Ini-screenshot agad ni Senyora ang sagot ni Paolo at ipinost din niya sa kanyang FB ngayong araw, April 5.
Sagot niya sa sinabi ni Paolo, “Aba syempre naman! Yan pinagkakaabalahan ko sa IG. Baguio na ulit sama me.”
Matatandaang ang kuhang larawan nina Paolo at Yen ang unang kumalat na may relasyon umano ang dalawa.
Sa kanya rin galing na ‘friends’ lang daw sila ni Yen dahil napakabait ng Kapamilya aktres.
Well, siguro ang peg na lang ni Paolo ay ‘what you see is what you get’ basta hindi sila aamin na may something sa kanilang dalawa ni Yen.
***
NAGREAK ang talent agency ni Alden Richards hinggil sa nakahubad na photo ng Kapuso aktor.
Ayon sa management, fake news daw ang lumalabas na larawan ni Alden.
Ang talent agency ni Alden na Sparkle GMA Artist Center ay magsasagawa ng hakbang hinggil sa supposedly fake unclothed photo ni Alden na kumakalat sa social media.
Naglabas ng statement ang ahensiya sa alegasyong kuha ang larawan ni Alden na nakaharap sa salamin na wala umanong ‘saplot.’
“We wish to inform the public that the said photo is fake and digitally altered using a picture that Mr. Richards posted on his social media months ago,” ayon sa atatement na nilabas ng agency ni Alden.
Hindi raw nila hahayaang mabalahura ang kanilang talent sa mga gumagawa ng fake items.
Wala pang binibigay na komento si Alden hinggil sa nilabas na statement ng GMA 7, pero ni-like naman niya ito.