Advertisers

Advertisers

Paulo bulilyaso ang pagpapakilala kay Janine sa anak na si Aki sa New York

0 203

Advertisers

Ni BETH GELENA

TRUE to his word, sinadya talaga ni Paulo Avelino na bisitahin ang anak niya kay LJ Reyes na si Aki pagkatapos ng kanyang commitment sa New York.
Kasama kasi si Paulo at rumored gf niyang si Janine Gutierrez sa show ni Ogie Alcasid na ginawa sa New York. Sa naturang syudad na kasi nakabase indefinetely si LJ kasama ang kanyang 2 anak.
Very proud father naman si Paulo sa pagkikita muli nilang mag-ama na kung saan nag-post si Paulo sa kanyang social media account ng isang video na tila siya mismo ang kumukuha.
Subject ay ang anak nila ni LJ habang nasa loob sila ng elevator. Kapansin-pansin na tila nagbibinatilyo na si Aki, kakaiba na ang style ng kanyang buhok pati ang kanyang pananalita ay may accent na rin ng isang New Yorker.
Sa pagpapatuloy ng video, makikita rin na naglalakad si Aki and this time ay may kaakbay na siyang tila kaedaran niyang girl.
Sa patikim na video na ito ni Paulo, wala sa kuha si Janine. Kung matatandaan bago pa man sila magpunta ni Paulo sa New York ay biniro niya ang rumored gf na ipakikilala niya si Janine sa anak at sasabihing bagong mommy pa raw siya ni Aki.
***
WHAT’S Carmina Villarroel, Janice at Gelli de Belen and Candy Pangilinan have in common? Well, they are the best of friends on and off camera at may ongoing show ang barkdadahan nila ngayon na walang pamagat sa bagong platform ng Vivamax, ang Vivamax Podcast na umeere na every Wednesays on Spotify and Apple Podcasts.
Marami tuloy sa followers ng apat ang nagtatanong kung kailan ba bibigyan talaga ng titulo ang kanilang show na may pansamantalang pamagat na “Wala Pa Kaming Title”?
“E, kung ’yong pag-uusapan nga, hindi namin alam kung ano, title pa kaya?,” say ni Candy.
But then sa kanya-kanyang personal account ng apat ay may pa-survey sila ng suggested title ng kanilang show.
Say ng grupo, parang mga ‘marites’ lang sila na nag-uumpukan at kung anu-ano o kaya sinu-sino na lang ang kanilang nagiging topic for discussion that day. Sadyang makaka-relate ang maraming ‘marites’ dahil free-flowing ang kanilang content.
“Ang nangyayari, magsisimula kami ng topic, tapos kung saan-saan na mapupunta tapos ‘yon na magiging episode namin,” ani Carmina.
Ang nangyayari tuloy parang halo-halo ang kanilang topic, pag may natumbok na bagong usapin ay doon naman sila magfo-focus na magkakaibigan.