Advertisers

Advertisers

“Pikit man o dilat, kay Vice Mayor Honey Lacuna ako!” – Cong. Yul Servo

0 308

Advertisers

“PIKIT man o dilat, kay Vice Mayor Honey Lacuna ako!!”

Ito ang paninindigan na ginawa ni Manila Vice Mayoral candidate, Congressman Yul Servo sa gitna ng mga pagtatangka ng ilang grupo na sirain ang lokal na partidong Asenso Manileno sa pamamagitan ng pagpapares sa kanya sa isa pang kandidato sa pagka-mayor.

Sinabi ni Servo na siya ay ” solidly behind Lacuna” bilang runningmate at kandidato sa pagka-alkalde at wala din siyang ibang sinusuportahang ibang kandidato sa pagka-Presidente maliban kay Mayor Isko Moreno.



Ang reaksyong ito ng Konggresista ay bunga na rin ng pagtatangka ng ilang indibidwal na ipares siya sa isa pang kandidato nang wala siyang pahintulot at kaalaman.

Umapela si Servo sa mga gumagawa nito na itigil na ang kanilang pagtatangka dahil itatanggi lang naman niya ito at dahil maliwanag sa mga residente ng Maynila na siya ay tumatakbo bilang bise alkalde at si Lacuna ang kanyang alkalde.

Hinamon din niya ang ilang lokal na kandidato na patunayan nilang sila ay nararapat sa tiwala at kompiyansa ng mga taga-Maynila sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang nagawa sa Maynila at mga plano para sa lungsod sa halip na magsagawa ng maruruming taktika at manira ng manira.

Ayon pa kay Servo ay nagkasundo sila ni Lacuna na hindi sila makikisali sa negatibong kampanya o pumatol sa ganitong uri.

Sa halip ay sinabi ni Servo na ang kanilang tandem ni Lacuna ay patuloy na gumagawa ng kanilang trabaho habang patuloy na nangangampanya.



Maliban sa pagiging second in command bilang Vice Mayor ng Maynila, si Lacuna ay Presiding Officer din ng 38-member Manila City Council at punong abala sa city government’s health cluster at vaccination program.

Sa kabilang banda naman, si Servo na kinatawan ng third legislative district ng Maynila sa Congress, ay isa ring deputy majority leader sa House of Representatives. (ANDI GARCIA)