Toni Gonzaga posibleng maging Reyna sa TV Station ni Manny Villar; JC Garcia may bad experience sa bakasyon sa Pinas
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
KALAT ngayon sa social media na nagpunta ang showbiz couple na sina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano sa Penthouse ni Willie Revillame para sa negosasyon sa napipintong paglipat daw ni Toni sa TV network ni Villar na Advance Media Broadcasting System na ang frequency ay Channel 2.
Well, ang totoo niya’n ay si Willie talaga ang nag-imbita sa mag-asawa ng lunch na pinaunlakan naman ng dalawa at sa balitang aming nasagap ay hindi lang basta magiging talent si Toni kundi inaalok din ng mataas na pwesto ni Villar para maging mala-Charo Santos-Concio ng kanyang istasyon.
At si Direk Paul naman ay magiging katuwang ni Willie sa pagkuha ng mga talent na bibigyan nila ng mga show. Kapag nagkasarahan na ng deal ay tiyak na magiging Reyna ng AMBS si Toni. Well, belatt na lang sa mga artista ng ABS-CBN na insecure at gusto siyang pabagsakin dahil hindi sila magtatagumpay sa maiitim nilang balak sa nasabing Ultimate Multimedia Star na katatanggap lang ng award na “Philippine’s Most Remarkable Talk Show Host of the Year” ng 5th Asia Pacific Luminaire Awards.
Pero ano itong chika na dahil sa PBB lang nag-resign bilang main host si Toni ay considered na big talent pa rin ng ABS-CBN ang singer/actress/host/vlogger and entrepreneur.
As we heard, balitang ayaw raw siyang pakawalan ni Mr. Leo Katigbak na kasalukuyang Presidente ng Kapamilya Network. Abangan na lang natin ang susunod na kabanata.
Well, dahil sa dinudumog ng offers si Toni ay totoo nga ang kasabihan na “mapalad ang inaapi”! Ang kapatid nitong si Alex Gonzaga ay maaring mapanood din sa AMBS channel 2. Maliban sa famous actress-comedienne-product endorser ay si Alex din ang may hawak ng titulong “Youtube Superstar” na may 12.3M (still counting) subscribers sa official Youtube Channel nito na Alex Gonzaga.
***
NITONG March 27, back to America o San Francisco, California ang International singer and concert performer na si JC Garcia mula sa halos 2 weeks na bakasyon sa Manila. Well, nag-enjoy naman sa kanyang vacation trip sa Pinas si JC, na naka-bonding ang kanyang mga kapatid at ilang kaanak na matagal na niyang hindi nakikita at nakasama.
Nag-enjoy rin sa kanyang pag-stay sa Marriott Hotel sa Pasay na nagawa pang magsayaw sa Tiktok at sa kalapit na Resorts World Manila. Gayundin sa kanilang pamamasyal sa Tagaytay with his clan ay may hindi makalimutang bad experience si JC, na lapitin talaga ng mga mapagsamantalang tao.
Imagine, siya ang inimbita ng staff sa Music Box sa Kyusi ng tumatakbong senador na inilambing pa sa amin ni JC na tulungan sana sa publicity. Pero ang ending ay siya ang pinagbayad ng lahat ng kinain ng grupo. Buhay na saksi ang inyong kolumnista, grabe ang ginawa ng mga ito kay JC, na lahat ng inorder at pati entrance fee yata sa naturang comedy bar na P250 ay kanilang ipinaako pa sa singer at Online TV host. May paalok-alok pa ang beauty queen kuno na malapit sa pulitiko na wala sa tiyempo kumanta. Makikihati raw siya sa lahat ng bills at ipa-GCash daw niya. Sagot ni JC, wala siyang GCash at wala raw nito sa Amerika.
Grabe, according to JC, kung walang pera ay huwag magyabang. Masama talaga ang loob ni JC lalo’t kape lang ang inorder niya tapos pagbabayarin ng kabuung bills na P13,600 na inabot ng P14K dahil nagbigay pa ito ng P400 na tip para sa mga waiter doon.
Dahil sa mga ito, nasira tuloy ang gabi ni JC na imbes na mag-enjoy ay uminit ang ulo sa galit sa kanila. By the way, pinasalamatan pala ng sikat na Gay Stand Comedian AJ Salamante (isa sa performer that night) si JC sa ginawang pagsundo nito sa kanila nang magkaroon ng show ang grupo nila sa San Francisco, California.
Samantala, nang malaman ng kanyang Bff na kapwa niya recording artist na si Yolanda Sircausa, na nakabalik na siya (JC) ng States, hayun agad siyang niyaya ni Yolanda na mag-bonding with their circle of friends. Kahit paano ay nabawasan ang stress at pagka-imbiyerna ni JC sa mga taong nang-isa sa kanya sa Music Box.