Advertisers

Advertisers

DIKIT NA DIKIT: ISKO VS BBM NA LANG ANG LABANAN

0 276

Advertisers

SA sunod na mga linggo, magiging dikit na dikit na ang laban sa panguluhan bunga ng patuloy na pagtaas ng mga numero ng pambatong kandidato ng Aksyon Demokratiko.

Masayang ibinalita ni Team Isko chief campaign strategist Lito Banayo nitong Biyernes, Abril 8 na sa huling resulta ng Tangere, isang independent big data research firm, patuloy ang pagdami ng mga nais ibotong pangulo si Aksyon Demokratiko standard bearer Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso kaysa ibang kandidato.

Naniniwala si Banayo, “very-very close fight” ang eleksiyon, ito ay sa pagitan nina Yorme Isko at dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.



“It’s up to Yorme Isko to close that gap,” sabi ni Banayo sa isang mediacon sa HQs ng Team Isko sa Intramuros, Manila.

May mahigit na 600,000 respondent base sa buong bansa, napakataas ng kredibilidad ng Tangere na nagtamo ng marami nang award bilang isang malaya at hindi maiimpluwensiyahang opinion poll company.

Sa resulta ng survey ng Tangere mula Abril 4-6 na may 2,400 respondents, tumaas sa 24.21 percent ang mga numero ni Isko mula sa naitalang 22 percent sa survey noong Marso 31.

Kinumpirma ng survey (Tangere), nakadikit sa ikalawang mas gustong iboto si Yorme Isko, pinakamakapit sa nangungunang kandidato sa pagka-president.

Sa resulta, ‘second top choice of 37.58 percent’ si Yorme Isko, kasunod si Sen. Panfilo Lacson na 17.33 percent.



Rumehistro lang ng 13.75 percent si Marcos Jr. at nakasimot ng 8.75 percent si VP Leni Robredo.

Sa resulta rin, nakita na 48.4 percent ng may gusto kay Marcos Jr. ang nagsabing ‘second choice’ nila si Yorme Isko para pangulo.

Second choice din ng 53.44 percent ng kakampink ni Robredo ang mas gustong manalo si Yorme Isko, ayon sa Tangere.

Nakita rin sa survey (Tangere) na umakyat ang mga numero ni Yorme Isko mula sa 16.29 percent noong Enero 3 na pumuntos ng 16.75 percent noong Enero 18.

Nakita rin sa itinakbo ng survey na mula sa 60 percent noong Enero 3, nalaglag ang mga numero ni Marcos Jr. sa 58 percent noong Enero 18; at naging 54 percent noong Pebrero 5 at muling bumagsak sa 48 percent nitong Abril 4-6 poll.

Ayon kay Banayo, malinaw sa resulta ng survey (Tangere): lumiliit ang agwat nina BBM at Isko mula sa ‘net difference’ na 24 percentage points, kumpara sa agwat na 32 percent noong survey ng Peb. 4-5.

Nanatili sa ‘third place’ si Robredo kahit bahagyang umangat ito sa 21 percent na kinuha sa balwarte nito sa Bicol.

Magkakabuntot sa ‘third place’ sina Sen. Manny Pacquiao (3.29%) at Sen. Panfilo Lacson (2.54%).

Sa pagtutuos ng mga puntos, sinabi ni Banayo na nagiging dikit na dikit ang labanan nina Yorme Isko at BBM na patuloy ang pagkawala ng mga tagasuporta nito.

Naniniwala si Banayo na ang mga dating kabig ni BBM ay papanig kay Yorme Isko habang papalapit ang eleksiyon sa Mayo 9.

Aniya, ang pagsirit sa itaas ng mga numero ni Yorme Isko ay patunay na sa huli, “dalawa na lang ang naglalaban,” at sila ay sina Marcos Jr. at Yorme Isko.

Samantala, binalewala ng Aksyon Demokratiko ang panawagang ‘unity’ calls mula sa kampo ni VP Robredo dahil naniniwala ang kampo ng Aksyon na mas malaki ang tsansa ni Yorme Isko na talunin si Marcos Jr.

Sa Cebu City, sa panayam ng media kay Dynee Domagoso, asawa ni Isko nitong Biyernes, Abril 8 sa “meet and greet” activity ng Aksyon Demokratiko candidates sa Bgy. Guadalupe sa Tinago Gym, sinabi niya na lubos siyang nagpapasalamat sa mainit na pagtanggap ng mga libo-libong tagasuporta nito.

Ayon kay Mrs. Domagoso, hindi niya alintana at lalong hindi siya nababahala sa mga naglalabasang mga survey na bumagsak ang numero ng kanyang asawa, at sinabing “this will not stop her and the rest of her family from providing their utmost support to the presidential bid of her 47-year-old husband.”

“I have not been stopped from campaigning, I’ve always been supportive of my husband from Day 1, from the very beginning, even before sya tumakbong president. So tuluy tuloy lang kami kasi mas naniniwala ako kung nararamdaman nyo ‘yung init ngayon dito, ito ba ‘yung sinasabi nyong mababa sa survey? Baka ‘yung iba natatakot lang ipakita ang kanilang preference, ito na ‘yung pagkakataon na isigaw na natin kung sino talaga ang gusto natin, at ang Cebu ang unang nagpakita nyan,” sinabi ni Mrs. Domagoso.

“Alam nyo to tell you honestly hindi kami tumitingin sa negative comments kasi I want to focus on the most positive eh. Kasi, pag lagi mong iniisip ‘yung negatibo, eh lalo mong ibinababa, huwag mong alagaan ang problema ‘di ba? Ilabas mo ‘yung sarili mo doon, welcome those who are happy, welcome those who are good vibes. I want to spread positive vibes that’s why I’m here,” Sabi ni Mrs. Domagoso. (BP)