Advertisers
TAHASANG ibinasura nina presidentiables Manila Mayor Isko Moreno at Senator Ping Lacson ang unification offer ng kampo ni presidential wannabe at VP Leni Robredo makaraang umabante umano ang voters’ preference ni Robredo sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na may petsang March 17-21.
Diretsahang sinabi ni Isko Moreno na hindi siya naniniwala sa plataporma de gobyerno ni Robredo dahil naka-angkla umano ito sa awayan ng pamiya Marcos at Aquino.
Mistulang puppet umano ng oposisyon o Liberal Party (LP) si Robredo na kapag nakatsamba ay siguradong mananatili ang loyalty sa interes ng kanyang political party at ng mga tinaguriang pamilyang oligarko na kanyang financial backers imbes na taumbayan ang paglingkuran, pagmalasakitan at lingapin.
Sinabi naman ni Lacson na tila lumaki ang ulo ni Robredo at ng mga kasamahan nito sa nakuhang marka sa latest survey na ginawa ng Pulse Asia.
Walang dapat ipagbunyi ang kampo ni Robredo ani pa ni Lacson dahil nananatili itong “poor second” pa rin kay Bongbong Marcos.
“Wag silang mayabang, wala pang isang dangkang sa lupa ang inangat ng kayang ratings sa latest survey,ang YABANG na nila”, banat pa ni Lacson.
Wala umanong planong umatras ang senador sa presidential race more so, na mag-give-way para kay VP Robredo.
Naniniwala tayo na si Lacson na isang former PNP general ay kapado na may alyansa nga ang kampo ni Robredo sa CPP-NPA na isang teroristang grupo at kalaban ng estado.
Sa ganang atin personally, kung may aatras sa pagtakbo bilang pangulo ng bansa, ang pinaka-positibo sa mga ito ay si Manny Pacquiao na hanggang sa pinakahuling Pulse Asia survey nga ay nakakuha lamang ng measly 6% kumpara sa halos bilyones ng ginastos (nilustay) nito sa pagkandidato.
Maugong din ang ingay na umaaray na rin ang boxing champion sa gastos at tila natutuyuan na ang balon nito ng kuwarta.
Maging ang ina ni Pacquiao na si Aling Dionisia ay nababahala na rin sa kakasapitan ng anak na si Manny.
So naniniwala tayo na kung magdedesisyon si Manny na umatras sa laban at mag-endorso ng isang presidential bet,posibleng maibalik pa dito kahit man lang kalahati ng halagang ginastos na nito sa kampanya.
May kapasidad bang gawin ito ng kampo ni Robredo?
Kaninong kampo kaya puwedeng lumapit si Pacquiao para mag-offer ng ganitong DEAL.
For Pacquiao, isang WIN-WIN solution ito sa kinasasadlakan nitong malaking problema.
Sabi nga ni Chavit Singson, kahit MILAGRO, walang pag-asang manalo ang boxing icon.
Sa pulitka at eleksyon kasi, walang tinatawag na LUCKY PUNCH.
Lahat ng galawan ay karkulado at precise.
Pero knowing Manny Pacquiao na matigas ang ulo at mayabang, malabo siyang umatras kahit pa nga kinabukasan na ng kanyang pamilya ang nakataya.
Lalo pa ngayong nakikinig pa rin ito sa ilang bobo at laos na mga pulitiko ng PDP-LABAN-Pacquiao wing.
Hindi na tayo magugulat kung ipagdasal at ipag-rosaryo ni Aling Dionisia itong si Senator Koko Pimentel na isa sa numero unong nagsulsol kay Pacquiao na tumakbong presidente.
Kimkim ng ina at mga kapatid ni Pacquiao ang galit dito kay Pimentel dahil isinubo lamang nito si Pacman sa napakalaking indulto.
Going back sa unification offer ng Robredo camp kay Isko at Lacson,nangyari na ito ng dalawang beses noong 2010 at 2016 presidential elections kung saan, hinimok ng kampo ni FPJ na noo ay tumatakbong pangulo si Lacson para mag-give way para sa action king upang masiguro ang panalo laban kay re-electionist Gloria Macapagal Arroyo.
Di bumigay si Lacson kaya ang naging resulta bagamat kontrobersiyal dahil sa “HELLO GARCI scandal”, wagi si GMA laban kay FPJ ng mahigit sa isang milyong boto.
Noong 2016 presidential race naman, nagpatawag naman ng last minute press conference si noo’y presidential aspirant Mar Roxas at nanawagan ng unification sa kampo ni Senator Grace Poe na tumatakbo ring presidente.
Ang sabi ni Mar Roxas sa press conference, tatalunin lamang nila si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na noo’y frontrunner sa lahat ng surveys kung mag-join forces sila ni Grace Poe.
Senator Grace Poe snubs the call of Mar Roxas.
Ang ending, Luz Valdez si Roxas at Poe.
May pattern tayong nakikita at ito ay hindi mapapasubalian.
Kung baga sa karera ng kabayo, banderang tapos ang nakikita nating resulta ng Halalan2022 pabor sa BBM-SARA UniTEAM.
Kapag sa huling linggo ng buwang ito ay nananatiling nangunguna si Marcos over Leni Robredo by 30 percent or more sa survey vote preference, it is safe to say na tapos na ang laban.
More than conclusive na ito.
The only chance Leni had ay makadikit kay BBM sa mga surveys nang atleast 10 percent pababa.
Sa kasaysayan ng eleksyon dito sa ating bansa base na rin sa paghimay at pag-aanalisa ng mga eksperto, thirty percent (30) lead in the presidential race one week before the actual election day is considered INSURMOUNTABLE lead.
O ayan ha, parehas at malinaw na pagtalakay sa isyu ng halalan ang ating ginawa.
Kitang kita naman kasi sa body language ng ating mga kababayang botante na ‘yung maka-BBM-SARA, kulamin mo man, hinding hindi na magbabago ng isip.
Ehemplo na lamang ang maimpluwensiyang Iglesia Ni Cristo (INC) na napaka-tahimik all the way sa duration ng kampanya.
Bakit nga ba walang presidentiable ang nagkalakas ng loob ng kumatok sa pinto CENTRAL ng INC?
SAGOT:
Para kasi sa INC kasi, tapos na ang laban at may nanalo na!
Kaya itong si Leni, sa simbahang Katoliko na lamang panay ang luhod!
Ha ha ha!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com