Advertisers
COVID-free na ang 11 sa 16 na barangay sa lungsod ng Parañaque.
Ito ay ang Barangay Baclaran, Dongalo, La Huerta, San Dionisio, Vitalez, Marcelo Green, Merville, Moonwalk, San Antonio, San Martin at Sun Valley.
Ayon sa Paranaque City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), sa kabuuan ay mayroon na lamang 11 kaso ng COVID-19 ang natitira sa lungsod.
Pinakamarami rito ay ang Barangay BF na may 4 na aktibong kaso na sinundan ng Barangay Don Bosco, Sto. Nino, Tambo, at San Isidro.
Nanawagan naman ang lokal na pamahalaan sa mga residente na ipagpatuloy ang pagsunod sa mga health protocols upang manatiling COVID-free ang lungsod.
Posibleng COVID surge dahil sa eleksyon, pinaghahandaan na
Samantala, pinaghahandaan na rin ng City Health Office ng Muntinlupa City ang Posibleng pagsirit ng kaso ng COVID-19 kaugnay ng idadaos na halalan sa bansa.
Kabilang Nagsasagawa na rin ng pre-emptive measure ang health officials ng Muntinlupa para ma-maintain ang mababang kaso ng infection.
Nagsasagawa na rin ng pre-emptive measure ang health officials ng Muntinlupa para ma-maintain ang mababang kaso ng infection.
Kabilang na rito ang mobile vaccination para sa mga kabataang may edad 12-17 anyos.
Gayundin ang booster shots sa eligible population at sa persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prisons at sa Muntinlupa City Jail.
Subaybayan natin!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan,10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing biyernes 9;00-10;00am 98.9 FM RADYO NATIN Roxas, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City at tuwing Biyernes 8:00-9:00am at Sunday 12:00nn-1:00pm sa DWXR 101.7 FM Mapapanood live streaming at Youtube chanel.