Advertisers

Advertisers

Ang nasa watawat ng Pilipinas ang mga kulay ni ‘President Isko!’

0 282

Advertisers

KUNG naibangon ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang Maynila sa loob lamang ng tatlong taon, ipinangako niya, kung papalaring mahalal na pangulo, magagawa niyang maibangon ang bansa na labis na pininsala ng pandemya at krisis sa kabuhayan.

“I get things done, ‘yan ang matitiyak ko sa inyo!” puno ng kumpiyansang sabi ni Yorme Isko, kandidatong pangulo ng Aksyon Demokratiko sa panayam ng mga reporter sa pagbisita niya kamakaikan sa Zamboanga del Sur, Zambonga del Norte at probinsya ng Cebu.

Hindi lanang si Yorme Isko ang nagpapatotoo sa mahimalang nangyari sa Maynila sa maikling panunungkulan niya sa siyudad.



Laman sa maraming pahayagan, social media, testimonya ng maraming nakaramdam ng pagbabago sa Maynila sa administrasyong Moreno.

Hindi man kailangan, dapat nang banggitin, kailangan sabihin ni Yorme Isko sa mga mamamayan ng Mindanao at Visayas ang katibayan ng nagawa niya at ipinangakong gagawin din sa bansa — kung siya ang pangulo.

“Nakita ninyo, sa pagkakalugmok ng Maynila, bangkarote ang Maynila, dugyot yung Maynila. We recovered in a short period of time dahil hindi naman tayo tumitigil sa paghanap ng tunay na solusyon. Tapos hindi humihinto doon, binibilisan natin ang aksyon,” sabi ng 47-anyos na alkalde.

Nakita ng madla, sa kabila ng pananalasa at perwisyong dala ng pandemyang COVID-19, nalinis, napaganda ng mabilis na aksyon ni Isko ang maruming paligid, masisikip na kalye at nagulong pamamalakad sa Maynila.

Nakita ang kakapusang serbisyo para sa disenteng pamumuhay ng Manilenyo, at agad, sinimula niya ang malawakang konstruksyon ng maramihang pabahay sa mga pamilyang dukha.



***

Kapos sa serbisyong medikal, nagpatayo si Yorne Isko ng maaayos at modernong ospital (Bagong Ospital ng Maynila, President Corazon Aquino Gen. Hospital, COVID-19 Field Hospital, maraming testing at vaccination sites, maramihang pagbili ng mga gamot kontra COVID at mga bitamina, at pagbili ng mga bagong gamit, makina, at pasilidad sa anim na ospital ng Maynila).

Moderno, de aircon klasroom, elektronikong gadgets na cellphones, tablet, laptops, libreng wifi at iba pa; ayuda at alwans sa mga estudyante, pension sa mga seniors, PWDs at siguradong pagkain at tulong sa mahigit sa 700,000 pamilyang Manilenyo.

Tulong sa pagliligtas ng buhay kahit ng hindi taga-Maynila na libreng magagamot at medisina na nagligtas ng maraming buhay ng mga tao na galing kung saan-saan.

Kung ang iba ay nangangako, si Yorme Isko ay natupad na at patuloy pang tinutupad ang mga ipinangako sa mamamayang Manilenyo.
***
Inspirasyon ang buhay niyang basurero sa Tondo at pang-akit sa kabataan, na mula sa hirap, magagawang makaangat, basta lamang magsipag, magtiyaga, wag tumigil sa pagsisikap at buong tiwala sa Diyos, “lahat ay posible.”

‘Yung pangarap na gagawin sa loob ng 10 taon para mapaningning muli ang Maynila, naganap sa loob ng dalawang taon lamang.

Hindi siya maramot sa pagbibigay tiwala at pagbabahagi ng tagumpay sa Maynila, ani Yorme Isko, nagawa ang naganap na dahil sa tulong, tiwala ng mga kasama sa cityhall, lalo na sa kasangkay na bise alkalde Dra. Honey Lacuna, mga konsehal ng siyudad, mga kawani at opisyal ng pamahalaang lungsod.

“Lahat ng ginawa namin sa Maynila, magagawa natin sa buong bansa, kailangan lamang, pagkakaisa, pagtitiwala at kakayahan, talino at abilidad sa mabilis na kilos, aksyon at paggawa,” sabi ni Yorme Isko.

***

Kung siya ang pangulo, tatapusin niya ang iringan, ang awayan, ang gantihan, sabi ni Isko, handa siyang makipagtulungan sa kahit ano ang kulay.

“Sa administrasyon ko, walang ibang kulay kundi ang mga kulay ng ating watawat ng Pilipinas,” sabi ni Yorme Isko.

Kaya ang islogan niya, Isang Bangka, Isang Diwa, Isang Bansa.

“Merito, skills, kaalaman at husay sa trabaho ang magiging batayan ko sa pagpili ng kasama sa pamahalaan,” sabi niya.

Aniya pa: “Color blind ang appointment na ginawa ko. Ang ibig sabihin, pati yung mga kalaban ko sa pulitika noong araw sa Maynila, naging department head. Dahil nakita kong magaling sila, at nag-deliver naman sila.”

Wala sa kanyang administrasyon ang higantihan at ang panawagan niya sa madla: “Itinabi mo talaga yung away, itinabi mo yung bawian, mas madaling makaka-move on yung tao. Yun ang pagtutuunan ko ng pansin, tao muna, tatawid muna tayo sa krisis. At ang kailangan natin ay crisis manager. Hindi pagbawi, hindi kulay, kundi yoong kumikilos, yoong gumagawa.”

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.