Advertisers

Advertisers

Angelika Santiago sunud-sunod ang pelikula

0 229

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

MAGANDA ang pasok ng year 2022 sa young actress na si Angelika Santiago.
Bukod kasi sa bahagi pa rin siya ng Book-2 ng Prima Donnas ng GMA-7, sunud-sunod din ang pelikula niya ngayon.
Katatapos lang gawin ni Angelika ang pelikulang Plandemic, kasama sina Rob Sy, Ford Valencia, at si Johan Santos. Base siya sa All of Us Are Dead na isang zombie movie. Nakatakda rin siyang mag-shooting ng bagong pelikula, kasama si Glaiza de Castro.
Ani Angelika, “Sa ngayon po may new movie po kami ni Ate Glaiza! At kakatapos lang po ng shooting namin for Plandemic, directed by Danny Marquez.
“Iyong Plandemic po, may pagka… parang All of Us Are Dead po siya. Zombie movie po siya basically, na may halo rin na comedy. So, horror-comedy movie siya na swak na swak sa mga millennials, super hahaha! ‘Tsaka trend din po, kasi sumikat yung sa All of Us Are Dead.”
Nabanggit ni Jelay (nickname ni Angelika) na excited na siyang makatrabaho si Glaiza.
Saad ng magandang young actress, “Yes po, super. Actually, noong Prima Donnas po, super nagalingan po ako sa kanya. Marami po kami sa Prima na idol na idol si Ate Glaiza.
“Super fan kami since noong sa movie nila ni Ms. Marian (Rivera) po na horror, iyong Tarot po, hahaha!”
“Sa Prima Donnas ay gumanap si Ate Glaiza bilang ng nanay ng tatlong Donnas,” pahabol na esplika pa ni Angelika.
Congrats din kay Angelika dahil bukod sa marami siyang projects ngayon, nanalo rin siya ng award kamakailan
Pinarangalan ang dalaga ng Most Promising Female TV Star Of The Year mula sa Global Trends Business Leaders Awards 2022.
Ano’ng na-feel niya nang manalo siya ng award?
“Super shocked po noong una, kasi noong sinabihan po ako na nominated ako, ang sabi ko po sa sarili ko, ‘Manalo man o matalo, okay lang’, hahaha!
“Pero super surprised lang po na panalo, kasi apat po yata kaming nominated and thank God po talaga rito. Super grateful po ako and parang ito na po yung sign na malapit na ako, hahaha! Kaunting push na lang!” Nakangiting pakli pa ni Jelay.
Incidentally, worth mentioning din ang naging photo shoot recently ng Kapuso young actress.
Magarbo kasi ito at maganda ang kinalabasan nito. Ang isinuot ni Angelika sa photo shoot na mula sa Ahleks Fusilero Photography ay galing sa Ray Bien Maglonzo Fashion. Ang Glam Team ni Angelika ay binubuo nina, Styling: Style By Omar Sali; Make Up & Designer: Ray Bien Gonzaga Maglonzo; at Hair: Keigh Dones.