Advertisers
TINAPOS ni Gennady Golovkin ang Japanese boxer Ryota Murata sa ika-siyam na round.
Sa unang limang round ay hawak ng Japanese boxer ang kalamangan kung saan nagpaulan ito ng mga suntok sa beteranong boxer na si Golovkin.
Pagpasok ng ika-siyam na round ay doon na umarangkada si Golovkin at napatumba si Murata sa laban na ginanap sa Saitama Super Arena sa Saitama, Japan.
Pinahinto na ng referee na si Luis Pabon ang laban sa 2:11 na oras sa ika-siyam na round matapos na magtapon na ng towel ang trainer ng Japanese boxer.
Si Golovkin na mayroong 42 panalo, isang talo, isang draw na mayroong 37 knockouts ay napanatili ang IBF middleweight title at nakuha pa ang WBA “Super” 160 pound title laban kay Murata na mayroong 16 na panalo, tatlong talo at 13 knockouts.
Dahil sa panalo ng Kazakhstan boxer ay tiyak na ang paglaban nito sa ikatlong pagkakataon kay Canelo Alvarez sa Setyembre.
Nararapat na talunin ng Mexican boxer na si Canelo na mayroong record na 57 panalo, isang talo, 2 draw at 39 KO si WBA light heavyweight champion Dmitry Bivol na mayroong 19 panalo, walang talo na mayroong 11 KO sa darating na Mayo 7 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.