Advertisers
NAKU mga katoto, pinakukumpiska na ng Sandiganbayan Anti-Graft Court 3rd Division ang mga bahay at lupa, kotse at iba pa properties ng pamilya ni incumbent Manila Vice Mayor Ma. Sheilah Honrado “Honey” Lacuna-Pangan, matapos ibasura ng korte ang kanilang kahilingan i-dismiss ito gaya umano sa nangyari sa pamilyang Marcos sa kasong “unexplained wealth” sa ilalim ng Republic Act No. 1379.
***
Pero nabigong makumbinse ng pamilyang Lacuna ang Sandiganbayan na legal at hindi “unlawfully acquired” ang kanilang mga properties na naipundar.
Ito ang sabi ng Sandiganbayan,” We should also underscore, as correctly argued by the petitioner Republic, that decisions of the Sandiganbayan in the Marcos cases are not binding precedents. The doctrine of stare decisis becomes operative only when judicial precedents are set by pronouncement of the Supreme Court.”
***
Nilnaw pa ng anti-graft court na ang anumang desisyon ng ibang division ng Sandiganbayan ay hindi magkatulad ng bisa at hindi maaring i-apply gaya sa kaso ng pamilya Marcos makaraang i-dismiss ng Sandiganbayan 4th Division ang P200B forfeiture case noong December 2019.
“Likewise, any decision rendered by the other divisions of this Court have no binding effect on the decisions rendered by this division.” saad sa resolution na inilabas ng anti-graft court nitong Enero 8, 2021.
FORFIETTED PROPERTIES
“Wherefore, premises considered, the motion for reconsideration dated August 2, 2020 of respondents-movants Danilo B. Lacuna and Melanie H. Lacuna, is hereby denied for lack of merit,” sipi ng 5-page resolution na inisyu nina Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang at Associate Justice Sarah Jane Fernandez habang nagsilbing ponente si Associate Justice Bernelito Fernandez
***
Bago nito, noong July 7, 2020 naglabas ng 53-pahinang desisyon ang Sandiganbayan na kinakatigan ang Ombudsman na i-forfeit o kumpiskahin na ang mga ari-arian ng mga magulang ni Lacuna na sina dating Vice Mayor Danilo Lacuna at asawa si Melanie ‘Inday” Lacuna, dating executive ng PNB dahil natuklasang “unlawfully acquired” o illegal na naipundar ito habang nasa government service, mula noong 1998 hanggang 2004.
***
Kabilang sa mga ilegal properties na ipinasasauli ng Sandiganbayan pabor sa gobyerno ay ang kinatitirikan bahay at lupa ng pamilyang Lacuna sa No. 3802 Biyaya St., Bacood, Sta. Mesa (Biyaya Property); House and Lot na nasa No. 541 Saklolo cor Biyaya Sts., sa Sampaloc (Saklolo Property) na ilegal na naipundar ni Lacuna bilang Vice Mayor noong 1999; lote nagkakahalaga ng P2.8M sa Tagaytay City (Tagaytay property), na nabili noong 2000; isang Honda CRV at Hyundai Starex; limang (5) shares of stocks na umaabot sa P6,605,000 na siyang nakasaad sa isinumite nilang statement of assets and liabilities network (SALN).
***
“This disproportion creates a disputable presumption that the properties acquired from 1998 to 2004 were unlawfully acquired and that the respondent=spouses have the burden of rebutting the presumption, “ saad sa desisyon.
ILL-GOTTEN WEALTH
Base sa record, nagkamal nang ilegal na ari-arian ang pamilyang Lacuna at asawang si Inday, habang nanunungkulan Vice Mayor ng Maynila si Lacuna mula noong 1998 hanggang 2004 na umaabot sa P20, 707, 168.84.
Lumalabas na ang nasabing halaga ay “manifestly out of proportion o labis sa kanilang kita gayong ang joint income nila ay umaabot lamang sa P11,703,289.42.
***
Ang promulgasyon ay ibinaba ng Sandiganbayan nitong July 7, 2020, subalit hanggang ngayon bigo ang pamilyang Lacuna na isauli ang ari-arian tinutukoy ng korte na illegal na naipundar ng mga magulang ni Vice Mayor Honey.
Mga katoto ito ang sinasabing ito ang dahilan kung bakit kinakailangan manalo bilang Mayor ng Maynila si Lacuna sa darating na May 9, local election upang makabawi sila sa mga kukumpiskahin ari-arian ng gobyerno mula sa kanilang pamilya.
***
(Ang Parating na ang Pagbabago ay lumalabas tuwing Lunes at Huwebes, mababasa rin sa digital platform ng policefilestonite.net)