Advertisers

Advertisers

Labi ng yumao, isinakay sa balsa para ihatid sa huling hantungan

0 248

Advertisers

Buwis buhay ang paghatid sa huling hantungan ng isang yumao sa gitna ng rumaragasang tubig sa Zone 7, Sitio Marus, Brgy. Hacienda Intal, Baggao, Cagayan.

Batay sa salaysay ng pamangkin ng nasawi na si May-Ann Sumaoang Sales, dahil sa patuloy na buhos ng ulan, umapaw ang tubig sa ilog kaya gumawa na lamang sila ng balsa upang dito isakay ang kabaong.

Tumagal ng hanggang 30 minuto ang pagsuong sa rumaragasang baha bago naitawid ang bangkay.



Aniya, dahil walang signal ngayon sa kanilang lugar at nahirapan silang tumawag ng rescuer kaya nagtulong-tulong na lamang ang mga taong isakay sa balsa at maihatid sa libingan ang yumaong kaanak.

Samantala, ipinaabot nito ang kahilingan magkaroon ng bangka o magagamit sa transportasyon lalo na sa panahon ng emergency dahil kailangan pa nilang tumawid sa ilog.