Advertisers

Advertisers

MARIZ’KOLAR PROJECT PARA SA MANDALEÑOS

0 150

Advertisers

HABANG kumahog ang mga kandidato sa national campaign,ratsada na rin ang lokal na eksena para sa kani- kanilang constituents.

May napagtuunan ng atensiyon ang korner na ito na isang eksepsiyonal na kampanya ng isang aspirante para konsehala ng Lungsod Mandaluyong sa Kamaynilaan.

Ang phenomenal na kandidata na bagama’t bagong salta sa politika at nabibilang sa kabataang sektor ng lingkod- bayan ay dinaragsa ang bawat sortie sa kanyang pagbabahay- bahay para abot- kamay ang kanyang mahal na konstituwente partikular sa Distrito Uno,pinakatampok sa kanyang malasakit ay ang senior citizens na nais niyang matulungan sa abot ng makakaya.



First day in office ng topnotcher sa pulso ng masa na si Konsehala Mariz Manalo ay ang pataasin ng higit sa doble ang kasalukuyang natatanggap nilang allowance mula sa city government na aniya ay kayang gawin ito sa kanyang pangunguna sa Konseho kaya isa itong nakalulugod na balita para kay lolo’ t lola.

Kanya ring tutuparin ang busilak na pusong malasakit sa PWD’s,solo parents,in and out of school youths at iba pang sektor na nasa laylayan ng lipunan sa kalunsuran.

Ang pride ng DLSU at sports enthusiast ding si Mariz Manalo( pamangkin ni billiards icon public servant par excellence Bgy .Malamig chairman Marlon Manalo ) ay prayoridad din sa kanyang plataporma ang ‘scholarship’ para sa mga maralitang batang potensyal na deserving makapag-aral dahil sa likas na talino sa akademya at magiging realidad ito kapag nailuklok na sa Konseho si Konsehala Mariz Manalo.

MARIZ’KOLAR..panalo ang Batang Mandaleño sa Serbisyong Manalo..ABANGAN!

Lowcut:FYI , si Konsi Mariz ay namulat muna sa mga larong kalye tulad ng teks,piko,tumbang preso,patintero,pool bago nahilig sa mga sport na basketball,volleyball, chess at ang larangang nakilala sa buong mundo ang kanyang idol Tito Kapitan Marlon Manalo na billiards& Snooker.Sa sports panalo opkors ang number 6 sa balota at numero uno sa taal na Mandaleños na si Mariz.WINNER!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">