Advertisers

Advertisers

MINDANAO LEADERS, KAMPANTENG IBOBOTO NG MGA MORO SI VP LENI

0 177

Advertisers

KAMPANTE ang political leaders ng Mindanao na iboboto si Vice President Leni Robredo ng mga Moro ngayong darating na halalan.

“Noong nag-umpisa pa lang tayo dito sa Mindanao sa pangangampanya, parang iilan lang kami na naging open sa pag-suporta kay VP Leni. Pero ngayon, ang daming dumagdag,” pahayag ni Congressman Mujiv Hataman ng Basilan.

Binanggit ng kongresista ang pagpahayag ng suporta nina former Speaker Pantaleon Alvarez, congressmen Rufus Rodriguez at Lawrence “Law” Fortun, at Zamboanga City Mayor Beng Climaco.



Sabi ni Hataman sa TAPATan Forum nitong nakalipas na Huwebes na nagpahayag si Alvarez na “pipilitin” nitong “mananalo kami sa buong Davao region.”

“Kaya ako very confident na sa mga darating na panahon, marami pa rin ang pupunta at pupunta kay VP Leni,” dagdag ni Hataman.

Aniya, ngayon lang siya nakakita na may professionals at kabataan na nag-volunteer mag-bahay-bahay. “Never ‘yan nangyari sa history ng politics sa Basilan,” dagdag ng kongresista.

Ayon naman kay Macabangkit Lanto, dating ambassador sa Egypt, “Kahit gusto ko iboto ang taga Mindanao, nangingibabaw pa rin ang ‘love for the country.’”

“We have the momentum, tuloy-tuloy na ‘to. Kampante kami na talagang mananalo dito si VP Leni, [lalo na] mas aktibo na ngayon ang volunteer group namin sa social media.”



Umaasa si Lanto na mas dadami pa ang mga lider na lantarang susuporta kay Robredo sa Mindanao.

“May mga nakausap ako na mga lider dito sa [rehiyon] na tahimik lang sila pero VP Leni sila. So I won’t be surprised kapag lumabas sila in the next few weeks,” sabi nito.

Aniya, nangangamba ang mga Moro na kung hindi si Robredo ang mananalo “i-dismantle” ng ibang kandidato ang Bangsamoro.

Ayon kay Hataman, kailangan na “track record” ang pagbatayan ng mga tao sa pagboto.

“At the end of the day, titignan mo ang track record at plataporma. Kung pareho ang plataporma nila, titignan mo if kilala mo ba ito? Nasubukan mo na ba ito?” dagdag ng kongresista.

Aniya si Robredo pa rin ang “the best” kahit may ibang kandidato na galing sa Mindanao.

“Kaming mga Muslim, importante sa amin ang usapin ng ‘peace and security’ sa Bangsamoro region,” aniya.

“Tested ko na si VP Leni, hindi pabago-bago ang desisyon niya pagdating sa kapayapaan. Mula noong kongresista siya, talagang champion na siya sa kapayapaan.”

Aniya ang “surge” ni Robredo sa pinakabagong survey ay ‘di pa kasama ang pagbaligtad ng maraming partido na gustong sumama sa Rodredo-Pangilinan team.

“Confident ako na mahahabol ang lamang ni Bongbong sa Mindanao kasi willing na ang volunteers na mag house-to-house,” sabi ni Hataman.