Advertisers
NAKAKAPIKA na ang inaasta ni Arturo Tugade. Walang nakikita sa kagaguhan sa mga pamprobinsyang sasakyan at mga pasahero. Tingin sa sarili ay napakatalino pero inutil sa katungkulan bilang kalihim ng transportasyon. Imbes na gumaan ang buhay ng mga mananakay, naging impyerno sa ilalim ng kanyang pamamahala. Matatandaan na kinatigan ng Korte Suprema ang daing ng mga transport companies at iilang kinatawan ng mga mananakay na manatili ang operasyon ng mga terminal ng provincial buses sa kani-kanilang terminal.
Binalewala ni Tugade ito, at, sa tulong ng mga kasapakat sa IATF, pinahimpil ang mga bus pamprobinsya sa Sta. Rosa at Philippine Arena upang doon magsakay at magbaba ng mga pasahero. Mantakin mo ang paghihirap na dinanas ng mananakay, partikular ang biyahero, matanda at may kapansanan. Napipilitan silang sumakay ng ibang sasakyan para makarating sa terminal na may layong 30 kilometro sa Metro Manila. Ang malayang pagbiyahe ay isang karapatang pantao na niyurak ng hayop na Arturo Tugade. Minsan hinamon siya ng dating senador Nikki Coseteng na sumakay ng bus pamprobinsya. Pero hindi ito pinansin ng duwag na kalihim ng transportasyon. Maging ang may-ari ng Partas si Chavit Singson na kasapakat niya sa administrasyon ni Rodrigo Duterte ay hindi alam kung matatawa o maiinis. Pero isa lang ang tiyak ko. Naririmarim si Chavit sa kanya. Napabalita na pagkatapos ng Mahal na Araw ay mapipilitan ang mga provincial buses na humimpil sa impiyernong terminal ni Tugade. Walang saysay ito dahil pahupa na ang panganib ng Covid-19.
Makitid ang isip ni Tugade at sariling boses lang pinakikinggan niya. Wala siyang ginawa kundi pahirapan ang pasahero at mga operator ng sasakyang pamprobinsya. Gusto niya manaig ang kolorum at walang gagamit sa mga designated bus lanes. Parang napapaisip ako tuloy anong klaseng gayuma ang meron sa PTX at Philippine Arena. Napag-alaman ko na 100k kada buwan ang ibinabayad ng mga provincial operators kada buwan, at 400 pesos kada bus ang sinisingil ng bawat bus na humimpil sa mga provincial bus terminals. Ipatong pa natin ang presyo ng diesel, lubricants, sweldo ng drayber at konduktor, pati maintenance crew. Ibig sabihin nalulugi ang mga operators. Isa lang ang tiyak dito. Bobo at inutil si Tugade, dahil ipinipilit niya ang ganyang sistema. Daig pa niya ang kabayong naka “tapa-ojo”. Dapat siyang alisin sa DOT at managot sa kanyang kapalpakan. Dahil kahit bilang pamunas ng dumi sa toilet palamuti wala itong silbi. Harinawa sa susunod na administrasyon bumalik muli ang ulirat ng DOT, at magtalaga ang susunod na pamahalaan ng taong matino. Hindi ng tuod na walang silbi.
***
DALAWAMPU’T-WALONG araw na lang at tutungo na si Juan dela Cruz sa presinto upang isumite ang kanyang balota. Pipili na siya ng napupusuang maging timon ng bayan. Marami ang nagaganap mula ngayon hanggang Mayo 9. Nandiyan ang paspasang kampanya ng mga kandidato. Natutulad ang mga panahon na ito sa isang “speed -dating challenge kung saan manunuyo ang kandidato ng pinakamaraming boboto sa kanya sa lalong madaling panahon. Dito naglipana ang mga rallies at campaign sorties sa lahat ng sulok ng bansa. At dahil sumabay ang mga kandidato para sa posisyong panlokal, na parang rambulan na ang kampanya, at batid sa botante ang kalituhan sa dami ng nanunuyo ng boto.
Sabi nga ni Nelson Mandela: “May your choices reflect your hopes not your fears…” Manalig tayo sa pasya natin ‘pagkat ito ay magiging salamin ng ating ninanais. May criteria ang bawat mamamayang may pagnanais sng matinong pamamahala. Kaya ibabahagi ko sa inyo ang aking napulot mula sa isang mamamayan na kaparehas mong matino:“Hindi kita pipilitin to vote for someone I like. Instead, I encourage you to vote for SOMEONE LIKE YOU. Yung kapares mo ng values at traits. Buong buhay mo, iniaalay mo para sa mga mahal mo. Iboto mo yung tao na mahal talaga ang Pilipinas at uunahin ang bayan. Masipag ka sa trabaho. Kaya iboto mo yung tao na masipag din magtrabaho, gaya mo. Masinop ka sa pera. Alam mo kung gaano kahirap kumita at mag-ipon. Kaya iboto mo yung tao na pag-iisipang mabuti kung saang sektor at proyekto ilalaan ang kaban ng bayan. Iniiwasan mong manlamang ng kapwa at hangga’t maaari, nagsasabi ka ng totoo. Kaya iboto mo yung matapat at patas lumaban. Syempre di tayo perpekto, pero mahalaga na ang mamumuno satin, pareho sa atin ang mga katangian at pinahahalagahan. Kahit ‘di tayo pareho ng iboboto, kaibigan. Basta ang iboto mo yung katulad mo ring masipag, matalino, matapang, mabuti, at matapat. Iiwan ko kayo na tangan ang mensahe na ninenok ko kay Roni Albario:
“We live in a time where intelligent people are being silenced so that stupid people won’t be offended… ”
Kasihan nawa tayong lahat ng Poong Kabunian.
***
Mga Salindiwang Nilambat: “Dapat palayain si Senator De Lima. Ang naganap sa kanyang pagpapakulong ay benggansya ni Duterte dahil sa kanyang pag-imbestiga sa Davao (Death Squad killings). At ‘yan ay isang katangian ng ating pangulo ngayon na ‘pag bumabatikos sa kanya ay kaniyang ipinapakulong, o kaya naman ay kaniyang titirahin.”- Ka Leody de Guzman
“Magaling si Kiko… Mas may katuturan ang itaas ng maglulupa ang kamay mo…” – The Village Idiot
“There are two ways to be fooled. One is tobelieve what isn’t true. The other is to refuse to believe what is true…” – Soren Kirkegaard
“Maraming politicians ang sumisira sa bayan sa pagnanakaw, pagpatay, pagsisinungaling, pandaraya, pang aapi. Tapos pag pinuna, inakusahan ang taong naninira. Hello lang. Hindi na puwedeng siraan ang talagang sira na…’ – The Reluctant Activist
“Don’t fear the enemy that attacks you, but the fake friend that hugs you!…” – Confucius
“Alam nyo ba kung bakit nila tinakpan si Ninoy Aquino sa Tarlac City?” Baka daw kasi makita yung bigayan!” – Ogie Diaz
***
mackoyv@gmail.com