Advertisers

Advertisers

16,104 at 220,000!

0 452

Advertisers

NITONG nakaraang weekend nasaksihan natin ang pinakamalalaking crowd sa basketball game at sa political rally ngayong pandemya.

Naka-16,104 ang Game 3 ng PBA Finals noong Linggo sa SM MOA na pinagwagian ng Bolts kontra sa GinKings.

Ito pinakamaraming nanood na laro mula nang hayaan na ang mga tao sa arena. Official na numbers yan ng liga.



Pukpukan ang laban at depensa ang nangngibabaw kaya mababa ang score, 83-74.

Samantala naka-220,000 ang event ni Leni Robredo sa Robinson Mills sa San Fernando, Pampamga. Ito rin ang may hawak ng trono ngayong kampanya sa bilang ng mga dumalo. Ang statistics ay galing sa kapulisan at mga organizer.

Pero tiyak masisira pa yang record.

Sa race-to-4 ng Ginebra at Meralco kapag umabot ng Game 7 sigurado na hihigitan ang attendance figures na yan. Posibleng 20k daw.

Sa pulitika naman na-chahallenge raw ang kabilang panig na talunin ang sa kapitolyo ng probinsya ng mga Kapampangan .



Isipin nyo kung matuloy sa Ayala kanto ng Paseo sa Makati na pihong dadagsain ng mga tagahanga ng Robredo-Pangilinan tandem.

Nandiyan din ang miting de avance ilang araw bago ang halalan na traditionally ay punong-puno ng mga supporter ng mga kandidadto dahil kahuli-hulihan na pagtitipon.

Komo maluwag na nga sa Covid protocols ay lumalabas na ang balana Masaya nasa isang kampeonato at ganoon din sa pa-rally ng mga presidentiable. Tila fiesta Grabe pa ang energy ng mga nandoon.

***

Ayon kay Tata Selo ay hula niyang ililipat si Coach Tim Cone sa lalong madaling panahon sa San Miguel Beermen.

Oo, manalo o matalo raw sa serye nila ngayon vs Coach Norman Black.

Tapos na raw ang misyon nito sa pinakasikat na pangkat ng mga basketbolista Panahon na raw na hawakan niya ang prized product ng conglomerate. Maaaring huli na niyang assignment.

Kapag nangyari ay naikot na ng pinakamatagumapay na mentor sa PBA ang lahat ng koponan ni RSA.

Yan ay bukod pa sa orig niyang team na Alaska. Bale 23 na titulo ng 64 na anos na bench tactician. Dalawang grand slam pa kamo.

Kailangan na kasi ng pagbabago sa kampo ng SMC. Ang tanong ay dalhin din kaya ni Cone si Joe DeVance na kasama niya sa 3 prangkisa. Parang lucky charm ng Amerikano ang kapwa Kano kasi.