Advertisers
Ni JOVI LLOZA
JULY 2021 nang maisipan ni Bela Padilla na lisanin ang Pinas dahil sa pandemya last year.
Ini-enjoy mag-isa ni Bela ang kanyang buhay sa Europe.
Itinanggi ng aktres na nagsasama na sila sa iisang bubong ng bf na si Norman Bay.
Mag-isa lang daw sila sa kani-kanilang bahay na magdyowa.
Wala naman pinagkakalibangan si Bela doon kungdi mag-swimming araw-araw.
Itinuring na ni Bela na second home ang Europe at nananatili pa rin ang aktres sa nasabing kontinente.
Wala pa umanong katiyakan kung kailan ang balik niya sa Pilipinas.
Habang wala pang ganap ay doon nga raw muna si Bela. Kapag may project ay saka lang ito lilipad pabalik ng bansa.
Malalaman daw naman niya agad ‘yun sa kanyang mother studio na Viva.
As of now, enjoy lang muna si Bela sa pananatili sa Europe.
***
Ate Vi achievements ang pagganap ng Darna at Dyesebel
SA tagal sa showbiz ni Vilma Santos-Recto ay parang wala na itong mahihiling pa sa kanyang career.
Sa halos anim na dekada ay ‘di na mabilang na pelikula at mga artista ang nakasama niya sa mga proyekto.
As now ay enjoy si Ate Vi sa bago nitong karera, ang pagba-vlog.
Tinuruan lang daw siya ni Luis Manzano at misis nito na si Jessy Mendiola at ngayon ay mas pinagtutuunan na nito ng oras ang vlog.
Pag-amin ni Ate Vi na ang dalawang pelikulang nagsimulang umalingawngaw ang namesung nito na masasabing iconic movies ng Star For All Seasons.
Yes, ang Darna at Dyesebel once na nagiging bukambibig ito ay nakadugtong na agad ang pangalan ni Ate Vi.
Natutuwa nga si Ate Vi sa 60 years na nito sa showbiz ay ‘di pa rin bumibitiw ang kanyang solid Vilmanians.
Mula noon at hanggang ngayon ay nandiyan pa rin sila para sumuporta sa nag-iisang Star For All Seasons.
Well, well, well…’Yun na!