Advertisers

Advertisers

Digong pinagdidiinan ang utang ng ABS-CBN sa BIR, pero dedma sa tax evasion cases ng Marcos?

0 182

Advertisers

WALA na talaga sa ayos itong si outgoing President Rody Duterte.

Hindi parin daw bayad sa BIR ang ipinasara niyang dambuhalang media company na ABS-CBN.

Ito’y sa kabila na naglabas na ng certificate ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na bayad kada taon sa tax ang ABS-CBN.



At common sense lang naman yan eh. Kung hindi bayad ng tax ang media company na ito dili sana’y matagal na itong kinasuhan ng BIR. Right?

Itong si Digong matatapos nalang ang kanyang termino sa Hunyo 30 ay patuloy parin sa pagkakalat ng fake news. Kung sino ang gumagawa ng mabuti ay winawasak dahil ayaw lumuhod sa kanya, habang ang mga magnanakaw niyang mga kaalyado at opisyal sa kanyang administrasyon ay pinoprotektahan.

Kung hinahabol nga ni Digong ang tax evaders, bakit hind nya habulin itong presidential aspirant na si Bongbong Marcos Jr. na convicted na sa hindi pagbabayad ng income tax at estate tax ng kanyang pamilya?

Opo! Kahit igo-google nyo pa. Si BBM ay convicted ng Quezon City Regional Trial Court sa hindi pagbabayad ng tax sa loob ng limang sunod na taon noong gobernador siya ng Ilocos Norte.

Siya nga ay nahaharap sa disqualification case sa Comelec. Hanggang ngayon ay hindi parin ito nadedesisyunan. At ito ang pinangangambahan ng mga loyalista ni Marcos na kapag nanalo si BBM sa eleksyon at lumabas ang desisyon ng Comelec na hindi pabor sa huli, ang uupo ay ang mananalong Bise Presidente.



Ang nangunguna ngayon sa survey sa Bise ay ang anak ni Digong na si Inday Sara na running mate ni BBM. Kaya duda ang mga maka-Marcos na baka planado ang lahat nang ito. Dahil halos lahat ng komisyoner sa Comelec ay appointees ni Digong. Gets nyo?

Ito rin marahil ang dahilan kaya iginigiit ng mga Marcos loyalist ang BBM-Sotto dahil nga duda sila sa tusong Duterte. You know…

***

Talagang kaduda-duda na ang mga lumalabas sa survey sa mga kandidato mula sa presidente, bise hanggang senador.

Dito lang sa senatorables, mantakin mo pasok na raw sa top 10 si Gibo Teodoro eh hindi nga alam ng mga tao na may kandidatong Teodoro. Hehehe…

Mas maniniwala ako na si Robin Padilla ay swak nga sa magic 12 dahil sikat na artista ito. Alam nyo naman mas maraming botante ang tanga, na kahit napaka-bobo ng kandidato ay ibinoboto.

Sabi nga ng senatoriable na si Sal Panelo, kung hindi marami ang tanga ay malamang hindi naging presidente si Duterte. Aray ko! Hehehe…

Kung ako ang tatanungin sa senatoriables, ang iboboto ko ay sina Luke Espiritu, Chel Diokno, Antonio Trillanes, Teddy Baguilat, John Castriciones, Risa Hontiveros, Mark Villar, Manny Pinol, Guillermo Eleazar, Carl Balita, at Almira Gutoc. Sila’y mahuhusay, may prinsipyo. Iboto natin sila.