Advertisers
NAGPUNTA uli kami sa National Kidney and Transpland Institute Institute (NKTI) nitong Sabado para sa dialysis sa aking dialysis at iba pang sakit.
Sa aming pag-ikot, nasiyahan ako sa rami ng puno sa paligid ng NKTI.
Biglang pumasok sa aking isipan ang lalawigan.
Talagang natuwa ako sa paligid ng NKTI.
Sana panatilihin ng liderato t NKTI sa pamumuno ni Rose Marie O. Rosete-Liquete, M.D., panatilihin at paunlarin ang napakakagandang hardin ng NKTI na nakaraming mga halaman at puno.
Mahusay po ‘yan Dr. Liquiete.
Sana’y pamarisan ng ibang pagamutan ang ang ginawa ng pangkat ni Dr. Liquiete.
Napakaganda ang paligid ng ospital na maraming puno at halaman dahil nakatutulong ito sa isipan ng mga pasyente.
Pinapayapa ng mga puno at halaman ang isiian ng mga pasyente.
Kaya, nararapat na maraming puno at halaman ang mga pagamutan tulad ng NKTI.
Magastos lang sa NKTI, ngunit maayos at magan da ang serbisyo ng mga doktot at nurs at iba pa.