Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA pamamagitan ng kanyang social media account, binalaan ni Angeli Pangilinan ang bashers ng kanyang panganay na anak na si Gab Valenciano.
Binabatikos kasi si Gab ng mga ito dahil sa pagsusuporta sa tandem nina Leni Robredo at Kiko Pangilinan
Sa lahat ng campaign rallies ng mga ito ay laging nandoon siya at nagpi-perform.
Bukod sa kanyang babala, ipinaalaala ni Angeli sa bashers ni Gab na ngayon pa lamang bumabawi ang kanyang anak mula sa pagkakaroon ng mental breakdown.
Paalala ni Angeli: “To trolls & insensitive netizens who are bashing my son @gabvalenciano for believing in the #LeniKiko tandem, it took years for him to bounce back from his mental breakdown some years back so I am warning u to please STOP YOUR CYBER BULLYING & bashing our son. God bless you.’
Sobra namang na-touch sa Gab sa pagmamahal at pagmamalasakit ni Angeli kaya ang social media rin ang ginamit niya para ipahayag ang kanyang pasasalamat at saloobin para sa ina.
“Aww mama, love you. I am grateful that through the years, I have managed to gain the strength to overcome such negativity and hate.In all honesty, I am unbothered by the bashing. Let us continue to pray for them. That’s what Jesus would do,” reaksiyon ni Gab.
***
NUMBER 50 Ang Probinsyano top 3 sa Pulse Asia party-list survey.
Nakuha ng Number 50 Ang Probinsyano Party-List ang pangatlong pwesto sa party-list race sa May 9 elections, base sa pinakahuling Pulse Asia Ulat ng Bayan national survey na isinagawa mula Marso 17-21, 2022.
Sa nasabing survey na inilabas kahapon, walo sa 177 party-list groups na tumatakbo sa darating na halalan ang makakakuha ng suporta ng may dalawang porsyento ng mga botanteng Pilipino kung gaganapin ang May 9 elections ngayon.
Ayon sa Pulse Asia, sa suportang ito, malalagpasan ng walong party-list groups ang Number 50 Ang Probinsyano Party-List, na nagsusulong ng hanapbuhay, edukasyon, pagkain at kalusugan para sa lahat ng mga probinsyano, ay nakakuha ng 4.48 voter preference, at posibleng makakuha ng tatlong pwesto.
Ayon kay Rep. Alfred Delos Santos, na nangakong ipagpapatuloy ang kanilang mga nasimulang programa para iangat ang pamumuhay ng mga probinsyano sa simula ng kampanya noong Pebrero, malaki ang kanilang pasasalamat na mapabilang sa mga napupusuang party-list ng mga botante.
“Isa pong malaking karangalan na maging isa sa mga pangunahing napupusuan ng mga botante. Kung kami po ay muling papalarin, higit pa naming paiigtingin ang pagsusulong ng pag-unlad sa mga kanayunan para din po sa pangkalahatang pag-unlad ng ating bansa,” ayon kay Delos Santos.
Ibinoto bilang isa sa mga nangungunang party-list sa una nitong pagsabak sa pulitika noong 2019 elections, ang Ang Probinsyano Party-List ay nagtala ng magandang performance sa unang voter preference na kinakailangan upang makakuha sila ng isang congressional seat sa unang 2-percent round ng seat allocation base sa nakasaad sa February 17, 2017 resolution na inilabas ng Korte Suprema.
Pinondohan din nito ang konstruksyon ng 69 evacuation centers at multi-purpose buildings sa iba’t ibang probinsya, at principal author ng 246 bills at resolutions at co-author ng 134 bills at resolutions sa 18th Congress.
Si Piolo Pascual ang isa sa endorser ng nasabing party list.