Advertisers
PARA sa tunay na pag-unlad hindi lamang ng iilan ay GENERAL’S CLEANING ang nararapat o ang paglilinis mismo sa loob ng pamamahay ang sesentruhan sakaling mapili ng mamamayan na mailuklok nila ang dalawang RETIRADONG HENERAL para magsilbing LOCAL CHIEF EXECUTIVE sa kanilang bayan sa MONTALBAN, RIZAL.
Nitong nakaraang April 8, sa WEEKLY MEDIA FORUM ni ATTY. AL VITANGCOL na DIRETSAHANG PANANAW ay naging panauhin nito ang 2 HENERAL na sina RETIRED LT. GEN. RONNIE EVANGELISTA na kumakandidatong MONTALBAN MAYOR at si LT. GEN. JUN CAPARAS na kumakandidato naman bilang MONTALBAN VICE MAYOR.., ay nagpahayag na ang kanilang pagreretiro sa serbisyo bilang mga militar ay panahon naman umano na ang sarili nilang bayan ang kanilang pagserbisyuhan.
Sa nasabing forum ay naipunto ni RET. LT. GEN. EVANGELISTA na ang 34 years na pagseserbisyo sa PHILIPPINE ARMY na high risk ang serbisyo at nalampasan ang lahat ng laban na hindi tinamaan ng bala ay isang malaking achievement na umano ito at bahagi ng kanilang pagseserbisyo sa iba’t ibang mga lugar sa ating bansa ay naging bahagi rin sila sa pag-asiste sa development at progreso ng mamamayan.., na aniya, kailangan naman ngayon na makapagserbisyo sila sa mismong bayan na kanilang residensiya.
May 7 kumakandidato ngayon sa pagiging MONTALBAN MAYOR na patas umano ang lahat.., lahat silang kumakandidato ngayon ay pawang mga baguhan sa naturang posisyon.., dahil ang MONTALBAN INCUMBENT MAYOR na 1st termer pa lang ay hindi na kumandidato sa ngayon at sa halip ay ang kaniyang kapatid na babae ang kumandidato para maging MONTALBAN MAYOR.
“Fair and square ang labanan namin ngayon dahil parepareho kaming mga baguhan yun nga lang ay may advantage pa rin yung kapatid ng incumbent dahil may pondo at makinarya silang nagagamit sa pangangampanya. Kami ay walang pinoproteksiyunan na negosyo tulad ng quarrying na ang maiaalok namin ay ang sinserong panunungkulan na dapat ay magkaroon ng tunay na progreso ang mamamayan ng Montalban at hindi ang iilang personalidad lamang ang aasenso,”
Upang mapabilis umano ang pag-unlad sa kanilang bayan ay kinakailangang makahikayat sila ng mga INVESTOR para makalikha ng mga patrabaho, na ang halimbawa niyan ay ang magkaroon ng mga pabrika sa kanilang bayan sa gayon ay mabigyan ng trabaho ang marami nilang kababayan!
***
HANDOG DRRM CARAVAN NG PCUP
Serye ng DISASTER RESILIENCE CARAVAN ang inihandog ng PRESIDENTIAL COMMISSION FOR THE URBAN POOR (PCUP) ang isinagawa bilang pakikiisa sa selebrasyon ng FIRE PREVENTION MONTH na paunang tugon sa mga nagaganap na unos tulad ng sunog, bagyo at lindol sa buong bansa.
Isa sa mga lugar na binisita ng PCUP ay ang bayan ng PUERTO PRINCESA sa PALAWAN na dinaluhan ng halos 1000 residente nito na dumanas ng matinding pinsala noong manalasa ang bagyong ODETTE na tumama sa ating bansa nitong nakaraang taon.
Sa pahayag ni PCUP CHAIRPERSON at CEO, UNDERSECRETARY ALVIN FELICIANO, ang seminar-workshop na kanilang isinagawa ay naglalayong mabigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mga maralitang tagalungsod, partikular sa mga usapin ng disaster preparedness at disaster mitigation na pawang mga napapanahong isyu sa kasalukuyan.
Kabilang sa mga highlights ng nasabing caravan ay ang DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT (DRRM) training at orientation tulad ng pag-iwas sa iba’t ibang sakit, kung paano gumamit ng fire extinguisher, ano ang mga hakbangin bago, habang at pagkatapos ng sakuna, at marami pang iba.
***
PAGTUTUWID NG TAGA-LA UNION
Sa kolum ko nitong nagdaang araw na may pamagat na “KANDIDATONG AGOO MAYOR NAMBUGBOG?” ay may nagmensahe na isa sa mga nakasaksi sa akusasyong nambugbog si AGOO MAYOR CANDIDATE FRANK O. SIBUMA ng isang supporter ni LA UNION 2nd DISTRICT REPRESENTATIVE SANDRA ERIGUEL.., ay wala umanong katotohanan. Bahagi ng patas na pamamahayag ay narito ang text message ng isang taga-LA UNION.
Magandang gabi po. Nabasa ko po yung article niyo about sa tumatakbo sa pagka mayor ng Agoo (https://www.policefilestonite.net/2022/04/10/kandidatong-agoo-mayor-nambugbog/). Gusto ko lang po sana sabihin na hindi po totoo ang inyong inihayag sapagkat isa po ako sa mga nandon at nakita ko po lahat ng nangyari. Nahuli po ng mga tauhan ni Apo sbm Sibuma yung mga tao po ng kabilang partido na nagbabaklas ng mga tarpaulin ng Team Sibuma- Team Garcia. Maayos pong kinausap ni Sir Frank yung tauhan ng kabilang partido. Nahuli pa po na may nakatakip na “serbisyong eriguel” yung plaka ng van na gamit nila (may resibo po ako nito). Hindi po ba kahinahinala iyon? Anyways, yun lang po. Uulitin ko po, wala pong sinuntok or binugbog si Sir Frank Sibuma. Maraming salamat po.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.