Advertisers
Tinapos ni presidential candidate Manny Pacquiao ang kampanya sa Dipolog City sa pamamagitan ng isang grand rally na ginanap sa Zamboanga Del Norte Convention Center.
Bago ito, pansamantalang naudlot ang motorcade ni Pacquiao nang bumuhos ang malakas na ulan.
Inabot din ng brownout ang team Pacquiao sa pagbisita nito sa bayan ng Roxas ngunit nagpatuloy sa pagsasalita ang senador upang marinig ng mga residente ang kanyang plataporma.
Dito ay muli niyang ibinahagi ang pagtulog sa kalye noon at kawalan ng makakain.
Sa datos ng Commission on Elections noong 2019, 24,811 ang bilang ng registered voters sa Roxas.
Halos 90,000 naman ang voting population sa lungsod ng Dipolog.