Advertisers
KUMBAGA sa basketball,sumisigaw na ng last two minutes ang coliseum barker.
Malaki na ang kalamangan ng Uniteam kontra sa Koponampink.
Mathematically impossible na ang makahabol pa ang dating yellowteam kahit anong desperate rally ang kanilang ikasa para mabaligtad ang resulta.
Kahit na kumampi pa ang table officials upang lutuin ang leading team.Kahit hilahin o di pagalawin ang timeclock ay di na sila didikit kahit puro attack.
Kahit na tawagan ng foul ng referee ang isang metro ang layo na Uniplayer sa driving pink o kaya ay i- counted pa ang traveling layup ng nagra-rali ay di na matitibag ang gabundok na tambak sa koponang pinklawan.
Huwag lang mag brownout bigla baka pag-restore ng power by generator,ang 44- points na tambak ay maging 4 na lang ang habol.Malayong mangyari yan dahil magagaling ang taga – Uniteam at kayang talunin ang kalaban ng walang tinitira at patas sa batas ng tunggalian.
Kaya sa final buzzer sa sandalj ng katotoganan nanaig ang tunay na mabusay at nagbunyi ang sellout crowd ng Uniteam.Sigaw nila . BI- BI- EM- SA-RA!!Panalo na!
Kundi sana mas inuna ng koponampink ang balak na mandaya, mambalya,manuhod ,maniko para manalo ,di sana sila matatambakan sa laban.Sabi nga ng hitad na pinkleydi na maitim ang balak kontra Uniteam..”masakit ang mani’ko!.. hayun TALO ang orig na YELLOW!
Lowcut: Shoutout sa mga kaisport diyan sa Riyadh KSA.Kay Robin Padiz at lahat ng kanyang ka- Harley Riders.Si Padiz na siyang leader ng BBM-Sara sa Riyadh ,Saudi Arabia ay dating PH national gymnastics player turned national coach at ngayon ay nasa Middle East upang magturo ng kanyang sports expertise.Solid BBM Sara sila.
Gayundin sa lumalawig na grupong Buklod Bayang Magilas Pilipinas sa pangunguna ni Pres.Rafael Tolentino at co- officers nationwide.Solid Rock BBM Sara rin!