Advertisers
Ni JOVI LLOZA
UNTIL now ay usap-usapan pa rin sa social media ang ginawang pagpe-perform ni Nadine Lustre sa campaign rally ni VP Leni at Kiko Pangilinan sa Pampanga.
Inawit ni Nadine ang hit single nito na ‘Paraparaan’.
Isa rin si Nadine sa celebrities na nagpahayag ng suporta kay VP Leni Robredo bukod kina Piolo Pascual, Regine Velasquez, Melai Contiveros, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo at narami pang iba.
Sa kasagsagan ng performance ng ex-gf ni James Reid ay talaga naman as in performance level ang ipinakita nito.
Isa sa kapansin-pansin ay ang pagpanhik ng isang male fan.
Maraming nag-expect na bulaklak ang ibibigay kay Nadine.
Pero gulantang ang mga KakamPinks na audience at mismo ang singer-actress ay gulat din sa inabot ng lalake, sarsa ng lechon.
Matatandaan noon na nakunan ito sa Siargao habang bumibili ng lechon sauce dahil sa gutom sa pagsu-surfing.
Memorable itong pagpe-perform ni Nadine sa Pampanga na talaga namang naaliw ito sa pag-abot sa kanya ng fan ng sarsa ng litson.
***
Cindy Miranda may payo at wala pa naman nakahalikang mabaho ang hininga
ANG ex-beauty queen turned sexy-actress na si Cindy Miranda ay nagpakatotoo lang.
Umamin ito na nadadala siya sa mga live scene na ginagawa.
Pero hindi raw siya ‘yun kungdi ‘yung karakter na ginagampanan nito sa bagong project.
May mga kasamahan nga raw si Cindy na talagang naiiyak pagdating sa mga love scene.
Hindi madali nga raw gawin pero gagawin mo dahil trabaho.
Ang pagkadala naman niya sa mga love scene ay ‘di naman nito itinanggi dahil tao nga lang ang sexy actress.
Isa pang pag-amin ni Cindy sa kanyang ka-love scene wala pa naman daw itong naamoy na mabaho or bad breath.
Kaya payo nito, bago pa man sumalang aa mga maiinit na scene lalo na sa love scene siguruhin lang daw na linis-linisin ang mga posibleng mangamoy.
Well, well, well…’Yun na!