Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
HINDI mapigilang pumalag ni Sharlene San Pedro sa pandadamay na ginawa sa kanya ng “Pambansang Marites” na si Xian Gaza.
Pagkatapos kasing pumutok ang balitang sinagot na ni Andrea Brillantes ang cager na si Ricci Rivero, nag-post naman ng parang nakakauyam na pang-iintriga si Xian.
Post ni Xian, “JUST IN: Ricci Rivero, iniwan si Sharlene San Pedro para kay Andrea Brillantes!”
Sa kanyang Twitter account ay kaagad na sumagot si Sharlene at sinabing fake news ang post ni Xian.
Si Sharlene kasi ang naging leading lady ni Ricci sa movie na Happy Times kaya minsang ginawa sila ng item.
May sagot naman agad si Sharlene sa pang-uurot sa kanya ni Xian.
“Shoutout sayo Xian Gaza tama na pagpapakalat ng fake news. Napaka clout chaser mo talaga di ko alam bat may naniniwala pa sa mga walang basehan na chismis na kinakalat mo,” tweet niya. “Wala kasing nagkakagusto sayo ano kaya puro chismis kinakalat mo,” dugtong niya.
Maging si Ricci ay nag-react din sa post ni Xian.
Inirepost niya ang tweet ni Sharlene at caption naman niya, “HAHAHAHA wala kasi ata talaga may gusto jan kaya ganyan!”
Nag-reply naman si Sharlene ng “za trueeee” with face with tears of joy emoji.