Advertisers
Si Joey Venancio ay on-leave. Siya’y kandidato sa pagka-kongresista sa kanilang lalawigan, Romblon. Ang kolum na nababasa n‘yo ngayon ay gawa ng kanyang editor.
HIGIT tatlong linggo nalang at maghahalal na tayo ng mga bagong mamumuno sa ating bayan, lalawigan at bansa sa kabuuan.
Ang mga kandidato sa lokal (mula congressman at gobernador pababa) ay manunungkulan ng tatlong taon at ang sa nasyunal (presidente hanggang senador) ay anim na taon.
Paalala ni CBCP presidente at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, huwag maghalal ng mga kandidato na may kaso ng korapsyon. Pumili ng kompetenteng kandidato na maglilingkod sa mamamayan.
Ang mga politikong may bahid ng korapsyon kapag nahalal uli ay siguradong ipagpapatuloy lang nito ang pangungupit sa pondo ng bayan at pag-aabuso sa kapangyarihan dahil nasa dugo niya na ito at wala nang hiya sa sarili. Mismo!
Tulad nitong isang kandidato sa pagka-pangulo, kilala nyo na ito. Ang kanyang pangalan at pamilya ay nakatala pa sa Guinnes Book of world records bilang most corrupt politician sa Pilipinas.
Ilang kandidato rin para Senador ang ilang beses nang nakulong sa pandarambong (Plunder) at nakalalaya lang sa piyansa.
Marami rin dyan sa mga tumatakbong kongresista ang mga nahaharap sa Graft and Corruption sa Ombudsman at Sandiganbayan at ang iba’y nakaapela na sa Korte Suprema.
Gayundin sa mga kandidatong gobernador at mayor. Marami sa kanila ang mga may kaso sa graft court. Hindi na sila dapat pang ibalik sa puwesto. Magboto na tayo ng walang bahid ng korapsyon. Opo! Ang bayan naman ang ating isipin sa pagboto sa Mayo 9. Wish ko lang!!!
***
Pahiya si presidentiable Sal Panelo nang iendorso niya si BBM sa kanilang rally sa Bikol.
Oo! Nang isigaw ni Panelo ang pangalan ni Bongbong Marcos Jr (BBM), ang sagot ng mga tao ay “Leni!, Leni!”. Hehehe…
Kaya walang nagawa si Panelo kundi ang ikampanya nalang ang kanyang sarili bilang isa ring Bikolano.
“Pinasigaw ko sa madla ang pangalan ni BBM. Sa kasamaang palad, puro ‘Leni! Leni!’ ang binalik sa akin ng mga libo-libong Bicolano na dumalo sa rally. Sa madaling salita, napahiya ako.
Nilambing ko nalang ang mga kapwa ko Bicolano at sinabi sa aming wika na: ‘Tayong mga Bicolano, kung sinong Bikolano, doon tayo! Yun lang po ang layunin ko nang sabihin ko ‘yun. Total, Bicolano din ako, at natural lamang na hingin ko ang suporta ng mga kababayan ko”, say ng dating chief presidential legal counsel sa nag-trending niyang pag-endorso kay BBM.
So far, sa nalalabing 26 days ng kampanya para sa halalan sa Mayo 9, na kay Leni na nga ang momentum. Naglilipatan na sa kanyang barko ang mga traditional politicians na ayaw maalis sa puwesto at naninigurong mabibigyan ng political accomodation kapag nanalo ang Bikolanang presidentiable. Goodluck sa lahat!